Suspek sa Murder, Nasabugan ng Granada

PATAY ANG isang murder suspect matapos masabugan ng granada na ihahagis sana niya sa mga pulis sa Barangay Galgaso, Bacolod City.

Kinilala ni Inspector Bong Turcula ng Bacolod Police ang nasawing suspek na si Roger Era.

Base sa report, isisilbi dapat ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Era dahil sa kaso nitong murder pero sa halip na sumuko ay nanlaban pa ito at nakipagbarilan gamit ang sumpak.

Kumuha ng granada ang salarin mula sa kanyang bag pero agad itong sumabog at naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.