Suspek sa Murder, Arestado

ISANG LALAKI na bangag sa ipinagbabawal na droga ang naaresto ng mga awtoridad makaraang pagsasaksakin nito ang isang lalaki habang nakikipag-birthday sa isa nilang kapitbahay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Valenzuela Police Station ang naarestong suspek na si Santiago Versoza, nasa hustong gulang, at residente ng B. Lopez St., Barangay Karuhatan ng nabanggit na lungsod. Habang ang napatay na biktima ay nakilalang si Mario Cejurado, nasa hustong gulang, at kalugar ng naarestong suspek.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng nasabing himpilan ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng bahay ng isa nitong kapitbahay na nagseselebra ng kaarawan.

Ayon kay Raul Costin Jr., kasalukuyang nakiki-    pagsaya ang biktima sa kanyang kaarawan ng biglang dumating ang suspek na armado ng patalim at lango sa droga at sa hindi nabatid na kadahilanan ay bigla na lamang pinagsasaksak nito ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na nagresulat sa agarang kamatayan nito.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek dala-dala ang ginamit na patalim sa hindi nabatid na direksiyon.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang pulisya ay agad na naaresto ang suspek na si Versoza hindi kalayuan sa kanyang bahay.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nakadetine sa detention cell ng Valenzuela Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong Murder sa fiscal’s office ng nasabing lungsod.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.