Suspek sa Maguindanao Massacre, Tiklo sa Sarangani

NAHULI ANG isang magsasaka na taga-Glan, Sarangani province matapos na akusahang suspek sa Maguindanao massacre.

Iginiit naman ni Rene Matute, 34-anyos, residente ng Barangay Cross ng Glan na wala siyang kinalaman sa nasabing karumal-dumal na krimen.

Napag-alaman na noong Hulyo 18, pinasok ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 12 ang bahay ng salarin at inaresto.

Ayon sa misis ng suspek na si Lilie, pinaamin umano ng taga CIDG ang kanyang mister na siya si Dixon Sapdula na siyang totoong suspek sa nasabing masaker.

Inamin din ni Lilie na walang baril ang kanyang asawa nang hinuli.

Si Rene Matute ay nakapunta na sa Maguindanao noong 2005 at nakapagtrabaho.

Samantala, inaalam pa rin ni Glan Mayor Victor James Yap Sr. kung dati niyang drayber ang inarestong suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.