Suspek sa magtiyang pinatay at itinago sa freezer, nasukol

MAKARAAN ANG ISANG linggo, nasukol din ng mga awtoridad ang lalaking pumaslang sa mag-tiya na itinago sa freezer sa Laguna.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., si Bayani “Ben” Pagaduan Corpuz ay nasukol alas-9:45 ng gabi sa Barangay Uno, San Mateo sa Isabela.

Isang tip ang natanggap ng Isabela Provincial Police Office upang matunton ang suspek sa karumal-dumal na krimen noong June 22, kung saan pinukpok umano ng martilyo ng salarin sina Leticia Lupian Y Acodio at Vilma Bandilao, saka itinago sa freezer sa kanilang tinitirhang warehouse sa Mariflor Subd., Brgy. Del Remedios, San Pablo City.

Ayon kay Cruz, malaking tulong ang media sa pagdakip kay Corpuz dahil nabasa sa pahayagan, napanood sa TV at narinig sa radyo ang ginawang krimen nito.

Sa record, pagnanakaw umano ang motibo ng suspek nang mawala ang P50,000 ni Acodio.

Sinasabing para hindi marinig ng kapitbahay ang pagpaslang ni Corpuz sa kanyang mga amo, nilakasan nito ang volume ng radyo at tinangka pa umanong putulin ang mga katawan nito.

Bukod sa karumal-dumal na krimen, inamin ni Corpuz na sangkot din siya sa apat na krimen.        (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.