Suspek sa Engr. Morales killing, timbog

HAWAK NA ng awtoridad ang isa sa tatlong suspek sa pamamaril kay Makati City Engr. Nelson Morales sa bayan ng Malinao, Albay.

Ayon kay Supt. Paulino Belga, deputy provincial director ng Albay Police Provincial Office, kanilang dinakip si Roderick Saysay Sarahan na residente ng Sitio Pinaric, Molosbulos, Libon, Abay.

Si Sarahan ay kaanak ng unang nakilalang suspek na si Christian Saysay na binawian ng buhay sa ospital dahil sa tinamong tama ng bala nang mangyari ang krimen.

Ayon kay Belga, nang magsagawa ng follow-up operation ang Provincial Public Safety Management Company ay nagkataong nasabat nila si Sarahan na lulan ng motorsiklo na walang plaka at napag-alamang expired din ang lisensiya.

Agad na pinagdudahan ng mga awtoridad ang lalaki kaya dinala sa kanilang himpilan dahil sa kasama rin ito sa mga listahan ng mga wanted persons ng pulisya.

Matapos ang pang-unang imbestigasyon, mula sa Libon ay dinala sa Albay Police Provincial Office ang suspek at doon kinilala at kinumpirma ng dalawa sa witness na isa nga si Sarahan sa mga kalalakihan na nagpaulan ng bala sa simbahan sa bayan ng Malinao.

Una rito, binawian ng buhay si Morales noong araw ng Huwebes sa Cope General Hosptal dahil sa tatlong tama ng bala na tumagos sa kanyang tiyan.

Una nang pinagbabaril ng tatlong lalaki si Morales at kapatid na si Malinao Vice Mayor Alice Morales makaraang mag-anak sa kasal.

Sa record, si Engr. Morales na kaalyado ng United Nationalist Alliance (UNA) ay tatakbong alkalde sa susunod na halalan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.