Suspek sa Dr. Gerry ortega killing, natuluyan habang naka-confine

NAMATAY HABANG nasa ospital ang isa sa mga suspek sa pagpaslang sa environmental activist at journalist na si Dr. Gerry Ortega.

Sa ulat, binawian ng kanyang buhay kahapon pasado alas-4:30 ng madaling-araw ang suspek na si Valentin “Percival” Lecias sa Ospital ng Palawan.

Sinasabing matagal na umanong may karamdaman sa atay si Lecias.

Maaalala na naaresto noong May 6 ang suspek na tinuturong bumili ng baril na ginamit ng hitman na si Marlon Recamata para patayin si Ortega.

Ang nabanggit na baril ay unang pag-aari ni dating Palawan provincial administrator Atty. Romeo Serratubias.

Si Lecias ay sinasabing official photographer umano ni Palawan Vice Gov. Clara Reyes, ang maybahay nang pangunahing

suspek sa kremin na si dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Bukod sa dating gobernador, sabit din sa kaso ang kapatid nitong si Coron Mayor Mario Reyes at Arturo Regalado.

Noong Lunes ay binigyang katiyakan ni Department of Justice (DoJ) Sec. Leila de Lima na handa nitong aksiyunan ang Ortega slay case makaraang nadiskubre na nakalabas ng Pilipinas ang pangunahing akusado sa kaso.

Sinabi ni De Lima na nakipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa pamahalaan ng Vietnam para sa pagha-hanap sa magkapatid na Reyes na umano’y dumating sa natu-rang bansa noong Marso.

Aminado rin ang kalihim na may mga impormasyon na rin silang natatanggap laban sa Reyes brothers mula sa PNP-CIDG, NBI at Interpol.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.