Suspek sa Bar Exam blast, Tinutugis na

TINUTUGIS NA ng mga kinauukulan ang panguna-hing akusado sa Bar exam blast noong 2010 na si Anthony Leal Nepomuceno.

Ayon kay dating Senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr., hawak na ng pulisya ang kopya ng arrest warrant na inilabas ni Manila Regional Trial Court Branch 3 Judge Jaime Santiago.

Magugunitang halos 50 katao ang nasugatan sa nasabing insidente, kabilang na ang ilan na naputulan pa ng binti, tulad ni Raissa Laurel, matapos umanong mahagisan ng granada sa labas ng De La Salle University sa huling araw ng pagsusulit.

Ang suspek na si Nepomuceno ay kabilang sa Alpha Phi Omega (APO) fraternity na dati nang isinuko ng kanyang mga kasamahan sa kapatiran na sina Vice President Jejomar Binay at dating Sec. Silvestre Bello III.

Kasong multiple frustrated murder at attempted murder ang nakahandang kaharapin ng suspek.

Sa ngayon, hindi pa nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ang kampo ni Nepomuceno para sumuko mula nang ilabas ang warrant of arrest.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.