Suspek sa 3 Kaso ng Panggagahasa, Tiklo

NAKAKULONG NA sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Dagupan ang isang suspek na nahaharap sa tatlong counts ng kasong panggagahasa matapos mahuli sa bayan ng Mapandan, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Salvador Ocumen, residente ng barangay Macayog sa nasabing bayan.

Namataan ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang mga kinauukulan na nasa lugar ito.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Honorable Judge Caridad Galvez ng Regional Trial Court Branch 48 dito sa lungsod ng Dagupan.

Samantala, nakakulong na ito matapos na walang itinalagang piyansa sa kanyang mga kinakakaharap na kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.