Suspek na Pumugot sa Ulo ng 6-Anyos, Kinasuhan Na

 

PORMAL NANG sinampahan ng kasong murder ang suspek na pumugot sa ulo ng anim na taong gulang na batang lalaki sa Binalbagan, Negros Occidental.

Kinasuhan ang nasabing suspek na si Lyndon Monton, 31-anyos, sa Provincial Prosecutor’s Office kaugnay sa pagpatay sa biktima na si MJ Aguirre.

Naging batayan sa pagsasampa ng kaso ang testimonya ng walong taong gulang na si Nicos Jampolina na nagtuturo kay Monton na siyang may kagagawan sa pamamaslang.

Ayon sa salaysay ni Jampolina, niyaya silang dalawa ni MJ ng suspek upang manguha ng tubo ngunit pagdating sa lugar ay sinabihan umano siya na maiwan sa labas.

Ilang saglit lang ay narinig na raw niyang umiiyak si MJ kung kaya tumakbo ito pauwi at nagsumbong sa kanyang mga magulang.

Sa pagresponde naman ng awtoridad ay kanilang nadatnan ang biktima sa loob ng taniman ng tubo na pugot na ang ulo at wala na ring mga mata.

Mariin namang itinatanggi ni Monton na siya ang may kagagawan sa pamumugot sa bata.

Napag-alaman na minsan nang ipinasok sa rehabilitation center ang suspek dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Suspek na Pumugot sa Ulo ng 6-Anyos, Kinasuhan Na

  1. hindi na dapat binubuhay ang mga ganyang klaseng tao na kampon ni satanas para diretso na siya sa impyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.