Suspek, inireklamo ng panghahalay
Driver, Inilalag sa Tricycle ng Senglot na Kelot

NASA KRITIKAL na kalagayan sa pagamutan ang isang tricycle driver makaraan mahulog sa minamaneho nitong tricycle nang biglang tadyakan ng isang lasing na lalaki habang dadalhin ng una at mga pulis ang suspek sa pagamutan para ipa-medical matapos na ireklamo ng isang 17-anyos na babae ng tangkang panghahalay sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang patawirin ang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng pagkabagok ng ulo ang biktimang si Roel Poblete, 40, tricycle driver at residente ng Heroes Del 96, ng nabanggit na lungsod.

Ang suspek na nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police Station ay nakilalang si Michael Dela Cruz, 34, may-asawa, tricycle driver at kasalukuyang nani-nirahan sa # 148 Heroes Del 96, Caloocan CIty.

Samantala, isang nagngangalang “Juliet”, 17-anyos at kapit-bahay ang nagreklamo laban sa suspek ng tangkang panghahalay.

Base sa ulat ng Caloocan City Police Woman’s and Children Protection Desk (WCPD), dakong alas-12:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Heroes Del 96.

Nabatid na bago umano maganap ang nasabing insidente, inireklamo ng babaeng biktima ang suspek ng tangkang panghahalay sa Caloocan PNP kung saan ay agad namang naaresto ng mga pulis.

Habang dadalhin ang suspek sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical (PDMMC) para ipa-medical ay biglang tinadyakan ni Dela Cruz ang lalakeng biktima dahilan upang ito ay mahulog sa minamanehong tricyle na naging sanhi ng pagkabagok ng ulo nito sa sementadong kalsada.

Mabilis na dinala ang biktimang si Poblete sa nasabing pagamutan kung saan ito ngayon ay ino-obserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng pagamutan habang ang suspek naman ay kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.