Suspek, binigyan ng ultimatum Hazing victim na si Marcos inilibing na

 

NAIHATID NA sa kanyang hu-ling hantungan ang huling hazing victim na si Marc Andre Marcos sa bayan ng Ramos, Tarlac.

Pasado alas-11 ng tanghali kahapon nang ihimlay si Marcos sa Ramos Memorial Park at bago nito ay binasbasan sa Shrine of  St. Therese, kung saan naging sakristan ito bago pa man mag-aral ng abogasya sa San Beda College.

Daan-daan ang mga nakipaglibing na kinabibilangan ng pamilya, kaanak, kaibigan at kaklase ng naturang biktima ng hazing.

Mula sa kanilang tahanan sa Tarlac, naglakad lamang ang pamilya Marcos patungo sa Shrine of St. Therese para sa huling misa.

Tumulong ang mga barangay officials sa pagbubuhat sa kulay beige na nitso ng Law student.

Sa huling lamay noong Sabado ng gabi, dinamayan ng pamilya ng hazing victim na si Marvin Reglos ang mga kaanak ni Marcos.

Buo naman ang pag-asa ng pamilya Reglos at Marcos na hindi mauuwi sa wala ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, binigyan ng Philippine National Police ng palugit ang isa sa mga suspek sa pagkakapaslang kay Marcos.

Ito’y matapos bigong lumitaw ang suspek na si Gian Angelo Veluz noong Biyernes na itinakda mismo ng kanyang ama.

Nananatili ring at large ang mga kasamahan nitong sina Soledad Sanda, Marlen Guadayo at isang Marcelo Cornelio habang hindi pa rin natatagpuan ang mga opisyal ng Lex Leonum Fraternitas na sinasabing nasa likod ng sinapit ni Marcos.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.