Suspect’s Sketch sa Pagsabog sa CDO, Inilabas na

INILABAS NA ng Philippine National Police (PNP) ang sketch ng salarin sa naganap na pagsabog sa Cagayan de Oro na ikinamatay ng anim na katao at ikinasugat ng 40 iba pa.

Sinabi ni PNP regional director C/Supt Catalino Rodriguez Jr. na ang nabuong pagkakakilanlan ng salarin ay base umano sa testimoniya ng ilang testigo.

Ayon sa saksi, isa umanong lalaki na may dalang sling bag ang nagkunwaring customer at bigla ring umalis pagkalipas ng ilang saglit kung saan dito na sumunod ang pagsabog.

Umaapela naman ang opisyal siya sa publiko na iwasan muna ang anumang ispekulasyon habang nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat.

Tumanggi rin si Rodriguez na magbigay ng komento ukol sa posibleng grupo na nasa likod ng pagsabog at kung ano ang motibo.

Nagsagawa na rin ng re-enactment ang mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) kaugnay sa nangyaring pagsabog.

Inihayag naman ni Interior Sec. Mar Roxas na iniimbestigahan na ng CDO-PNP ang nakuhang CCTV footage habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.

Samantala, tiniyak ng kalihim na gagawin ng mga awtoridad ang lahat upang matukoy ang suspek sa deadly bombing incident.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.