Suspect in Hayden sex videos says Belo has master copy

NGAYONG GABI NAKATAKDANG dumating mula sa Europe si Dra. Vicki Belo kasama ang kanyang mga anak na sina Direk Quark at Cristalle Henares. Siguradong hindi na sorpresa para sa kontrobersiyal na doktora ang naging pahayag ni Erik Johnston Chua na siya lang ang may kopya ng mga sex videos ni Dr. Hayden Kho, dahil kahit nasa malayong lugar siya, meron pa rin silang kom

Pero sa paglantad ni Erik Chua, malinaw ang pagdedetalye nito, totoong kinuha nila sa condo unit ng doktor na pag-aari ni Dra. Belo ang computer na naglalaman ng mga sex videos ni Dr. Hayden Kho.
unikasyon ng kanyang mga abogado.
Binuksan nila ang computer sa harapan mismo ni Dra. Vicki. Walang ibang kopya ang malalaswang video na ‘yun kundi ang kinuha ni Dra. Belo. Kaya lumalabas sa mga pahayag ni Erik Chua na ang doktora lang ang maaaring maglabas nu’n.

Walang binanggit si Erik Chua na meron ding sex video si Dr. Hayden at si Dra. Vicki. Ang napanood lang nila ay ang sex video ng doktor kasama sina Katrina Halili, Maricar Reyes at ang modelong Brazilian.

Kahit naman ngayon, walang anumang kuwentong lumulutang na may nakapanood na ng sex video nina Dr. Hayden at Dra. Vicki. Kung meron nga silang sex video, makaliligtas ba naman ‘yun sa publiko?

Kaya malinaw na palutang lang ng kampo ng doktora na meron din silang sex video ni Dr. Hayden Kho. Para lumitaw na tulad nina Katrina at Maricar, biktima rin siya ng doktor kahit hindi naman.

Sana’y busisiing mabuti ng mga nag-iimbestiga kung sino talaga ang utak sa pagpapalabas ng mga sex videos ng doktor na kinabubuwisitan pa rin ng publiko hanggang ngayon.

Kinasuhan na si Dr. Hayden Kho sa DOJ dahil sa patagong pagre-record sa mga sex videos. Dapat lang talagang maparusahan ang doktor sa kababuyang ginawa nito sa mga babaeng walang kalaban-laban. Kaya ang tututukan na lang ngayon ng mga humahawak sa kaso ay kung sino ang tunay na utak sa pagpapalaganap ng mga sex videos para pagpistahan ng buong bayan.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Previous articleParazzi Chikka: Sarah Geronimo and Mark Herras, to do a film together?
Next articleRuffa Gutierrez leaves home for John Lloyd?

No posts to display