Susan Roces, Jessica Soho, Boy Abunda, “MMK”, Pararangalan sa Star Awards!

GAGANAPIN ANG 25TH PMPC Star Awards for Television 2011 ngayong Martes, November 22, 6 p.m. sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World of Manila, Pasay City.

Ang “top honorees” ay sina Susan Roces (Ading Fernando Lifetime Achievement Award) at Jessica Soho (Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award).

Iluluklok naman sa “Hall of Fame” si Boy Abunda (Best Male Showbiz-Oriented Show Host) at ang Maalaala Mo Kaya (Best Drama Anthology) sa pagwawagi ng 15 beses sa kanilang kategorya.

Sa silver anniversary ng PMPC Star Awards for TV, ang theme ay “tribute to musical variety shows” (the past 25 years).  Pagkakalooban ang “Superstar” show ni Ms. Nora Aunor ng special award bilang “Longest Running Musical Variety Show in Philippine Television History”, ganoon din si German Moreno bilang “Master Star Builder”.

Kumpirmadong darating si Ate Guy upang tanggapin ang nasabing pagkilala sa “Superstar” show niyang umere nang 22 uninterrupted years, mereseng may Martial Law noong 1970s.

First time ito igagawad ng isang TV award-giving body, dahil kababalik nga lang ni Nora sa bansa after eight years sa Amerika.

Hosts sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Piolo Pascual, at Shamcey Supsup.

Performers sina Lea Salonga, El Gamma Penumbra, Toni Gonzaga, KC Concepcion, Erik Santos, Sam Milby, at Ai-Ai delas alas.

Mula ito sa Airtime Marketing Phils, Inc. at sa direksyon ni Al Quinn.

Narito ang mga nominado sa ilang major categories:

Best Public Service Program Host: Atty. Persida Acosta (Public Atorni), Mike Enriquez (Imbestigador), Vicky Morales (Wish Ko Lang), Ben Tulfo (Bitag), Pinky Webb, Julius Babao, Anthony Taberna (XXX:  Xklusibong Xplosibong Xpose); Best Comedy Actor: Ogie Alcasid (Bubble Gang), Jason Gainza (Banana Split), Pooh (Banana Split), Michael V (Bubble Gang), Ariel Villasanta (Mommy Elvie @ 18); Best Comedy Actress: Ai-Ai delas Alas (M3:  Malay Mo Madebelop), Angelica Panganiban (Banana Split), Pokwang (Banana Split), Rufa Mae Quinto (Bubble Gang), Mommy Elvie Villasanta (Mommy Elvie @ 18); Best Male TV Host: Joey de Leon (Eat Bulaga!), Allan K (Eat Bulaga!), Luis Manzano (ASAP Rocks), Piolo Pascual (ASAP Rocks), Vic Sotto (Eat Bulaga!); Best Female TV Host: Sharon Cuneta (Sharon), Eugene Domingo (Comedy Bar), Sarah Geronimo (ASAP Rocks), Toni Gonzaga (ASAP Rocks), Regine Velasquez (Party Pilipinas); Best Drama Actor: John Lloyd Cruz (Imortal), Dingdong Dantes (Endless Love), Jhong Hilario (Mara Clara), Coco Martin (Minsan Lang Kita Iibigin), Piolo Pascual (Noah), Derek Ramsay (Magkaribal), Jericho Rosales (Green Rose); Best Drama Actress:  Bea Alonzo (Magkaribal), Angel Aquino (Magkaribal), Amy Austria-Ventura (Minsan Lang Kita Iibigin), Gretchen Barretto (Magkaribal), Anne Curtis (Green Rose), Angel Locsin (Imortal), Lorna Tolentino (Minsan Lang Kita Iibigin); Best Male Newscaster: Julius Babao (TV Patrol), Noli de Castro (TV Patrol), Mike Enriquez (24 Oras), Ted Failon (TV Patrol), Alex Santos (TV Patrol Weekend), Anthony Taberna (Iba-Balita ni Anthony Taberna); Best Female Newscaster: Kara David (News To Go), Karen Davila (TV Patrol), Vicky Morales (Saksi), Korina Sanchez (TV Patrol), Jessica Soho (State of the Nation with Jessica Soho), Mel Tiangco (24 Oras).

 

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Related Post

loading...

3 thoughts on “Susan Roces, Jessica Soho, Boy Abunda, “MMK”, Pararangalan sa Star Awards!

  1. Hay naku Jose kung wala kang masabing maganda tumalon ka nalang sa ilog pasig. lol and beside may facts ang information ko about Mel T., mas deserved ni Jessica Soho sa main news ng GMA7 kesa kay Mel t. na parang tanga kung magbalita.

  2. MAGALING, MAGALING, MAGALING.. KAUNAUNAHANG NAAKOMENTO, MAY SAMA PA NG LOOB KAY MEL TIANGCO.. at tv 5..ANO KAYANG PROBLEMA NI LAIKABAITO NA ITO?? BIGYAN NGA ITO NG BABASHIN AT ISALANG SA TELEBISYON.. BIHISAN NA RIN NG MAAYOS HA.. PRAKTISIN DIN NG MAIGI.. MAKE-UP-AN NG MAGANDA… PARA PAG NAGKAMALI NG BABASAHIN AT NAGBULOL BULOL ITONG SI LAIKABAITO NA ITO.. IPASOK NA LANG SA NITSO NG BUHAY.. TUTAL NAKAAYOS NA NAMAN SIYA AT NAKABIHIS… wala pang napapatunayan itong LAIKABAITO na ito..akala mo kung sino magsasalita… pwehhhhh

  3. Dapat si Mel Tiangco palitan na hindi naman magaling mag dala ng balita, dapat si Jessica ang nasa pwesto niya then si Mel dalin nalang sa TV5 kung saan sya nababagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.