Survivor Finalist Ervic Vijandre, Nagwala sa Bar

SATURDAY NG UMAGA ng tumawag ang Survivor castaway at Starstruck avenger na si Princess Snell sa akin, at nagsusumbong tungkol sa ginawa ng kapwa-Survivor castaway at ngayon ay finalist na si Ervic Vijandre, sa Republiq Bar.  Ayon kay Princess, nagwala raw itong si Ervic at naghamon ng suntukan. Pinag-initan daw nito ang kanyang non-showbiz boyfriend na umabot daw sa matinding sigawan at balyahan. Marami raw tao ang nag-panic at nagsisigaw sa takot dahil daw sa ginawa ni Ervic.

Galit ding sinabi ni Princess na, “Lasing siya siguro at wala siyang makausap kaya ayun, nagwala!”

Bago rito, ayon kay Princess, napagkasunduan daw ng grupo ng Survivor castaway na mag-reunion sa Republiq. Kasama raw nila sina Aubrey Miles, Aira Bermudez, Michelle Madrigal, at Mico Aytona. Sa kalagitnaan daw ng pagsasaya nila, naramdaman daw ni Ervic na nag-iisa na siya at wala nang kumakausap. Kaya raw nang makita siya ni Ervic na sobrang saya, kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend, nakigulo raw ito sa kanila, kaya nagkainitan daw at naging simula ng pagwawala nito sa bar.

Ang ending daw, sabi ni Princess, sila pa raw ng kasama niyang foreigner ang pinalabas ng mga bouncer sa bar.

DAHIL SA KUWENTONG ito ni Princess Snell, hinanap ko si Ervic Vijandre para alamin ang side nito. Ayon kay Ervic, masaya nga raw silang nagpunta sa nasabing bar, kasama ang mga castaway. Nang nasa kalagitnaan na raw ng kasiyahan, mga alas-dose na ng madaling-araw, isang lasing daw na kasama ni Princess na foreigner at may taas daw 6 feet ang nangugulo sa grupo nila.

Dahil hindi na raw matiis ni Ervic ang kakulitan ng foreigner, pinakiusapan daw niya si Princess na ilayo muna sa grupo nila ‘yung kasama nito. Pero ang naging reaction daw ng foreigner ay itinulak siya at dinuro-duro. Nagtimpi raw talaga siya, pero mainit daw talaga sa kanya ang foreigner at panay raw bulyaw at paghahamon ang inabot niya.

Sa pag-iwas daw ni Ervic, binalya siya ng foreigner at muntik na raw silang magpang-buno. Buti na lang daw ay dumating ang mga bouncer ng bar at inawat sila. Dahil makulit daw ang foreigner, napilitan daw ang mga bouncer na palabasin ito.

Ipinaalam ko kay Ervic na non-showbiz boyfriend ni Princess ang foreigner na kasama niya. “Hindi ko alam na boyfriend niya ‘yun. Kasi ‘di naman niya sinabi sa amin. At wala naman kaming masamang bagay na pinagsamahan ni Princess.” Nasabi na lang ni Ervic.

INAMIN NI HEART Evangelista na special pa rin daw sa puso niya si Jericho Rosales until now. Sa muling pagtatangka ni  Jericho na manligaw sa kanya, mukhang malabo na raw mangyari ang pagbabalikan nila. Three years na raw ang nakalipas at marami na ang nagbago sa buhay niya.

Masaya na si Heart sa pagmamahal na ibinibigay ni Daniel Matsunaga sa kanya.

NAKAGAT NG ALAGA niyang aso sa kamay ang Startruck finalist na si Enzo Pineda. Iniwasan daw niyang mag-panic dahil nang mangyari ang insidente, mag-isa lang siya sa bahay niya. Nagawa raw niyang mag-drive kahit dumudugo ang mga kamay niya.

Sa ngayon, maayos na si Enzo, pero dadaan siya sa series of vaccination.

The Lion’s Guard
by Gary de Leon

loading...

10 thoughts on “Survivor Finalist Ervic Vijandre, Nagwala sa Bar

  1. parehong gumigimik yans si princess at si batugang ervic.. tinatakpan lang niyang ervic na yan yung scandal niya na kumakalat sa internet.. obvious namang siya yun eh,. wag mag deny dahil sing pangit ng mukha niya yung lalake sa pic.. kamukhang kamukha talaga sila..

  2. sana nga magkabalikan cla ni echo..dahil mas gusto ko n maging sila….yoko kay daniel noh,mukhang ginagamit lang nya si heart para sumikat.

    • Ako din.At wish ko magmature na sana si heart.kung ano kasing gusto ng parents niya sinusunod niya agad.di na siya bata.at halatang mahal na mahal siya ni echo. di pa nakakapagmoveon kahit ang tagal na nilang break,nagtry ng iba pero wala parin.sana in the future.

  3. sos pakana yan ni princess snell para ang masabi na meron syang boyfriend..at hindi si tandang chavit singson ang sugar daddy nya..gnawa lang nila yan para ma cover up cla ni tandang chavit.

  4. ano ba to?!!!…panay sabi ng di magaganda about sa kanila ni jericho….may pa sulat2x pa siya ng malaking X sa name ni echo dun sa tweetbiz….tpos may pinakita kay heart na bigay ni echo sa kanya…tpos sabi ni Heart….na ilayo sa kanya…kasi daw baka bumalik yung sumpa…tpos ngaun….may pa-special2x pa rin si echo sa kanya?…..hay naku!….heart wala ka tlgang isang salita….til now bitter ka pa rin….ur not totally happy…..as in totally…

Leave a Reply

Your email address will not be published.