Surigao at Apayao, Niyanig

DALAWANG LINDOL ang naramdaman sa bahagi ng Surigao at Apayao kahapon.

Base sa naitalang rekord ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, alas-7:26 kagabi niyanig ng magnitude 3.6 ang kanlurang bahagi ng Surigao City, Surigao Del Norte na may lalim na 106 kilometro.

Naramdaman din ang paglindol sa Apayao kahapon ng alas-2:46 ng madaling-araw.

Magnitude 3.1 ang yumanig sa kanlurang bahagi ng Kabugao, Apayao.

Kapwa tectonic in origin ang magkasunod na lindol.

Wala namang nai-report na nasawi o nasugatan sa naturang pagyanig.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.