Surfer din ang Fil-British model Kim Jones, bagong gf ni Jericho Rosales!

UNTI-UNTI NANG makikilala siguro ang Fil-British model na si Kim Jones dahil na rin sa siya ang girlfriend ngayon ni Jericho Rosales.

Si Kim ang roving reporter ng lifestyle show na ETCETERA. She lived in Adelaide, Australia with her Pinay mother and British father.

We saw Kim’s Facebook account. We were not surprised to see one photo of her with Echo in the background. Kuha iyon habang nagsu-surf sa San Fernando, La Union ang dalawa. Naka-side view lang si Echo na nakasumbrero habang pinanonood ang mga surfers, pero kitang-kita pa rin sa profile niya na siya ‘yon.

Surfer si Echo and it seems he and Kim share the same passion for the said water sport. Talagang dumadayo pa sila sa malalayong lugar during their free time para mag-bonding using their favorite water sport.

 

NAGDENAY SI Nancy Castiglione na siya ang third wheel sa hiwalayan sa pagitan nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

“Actually, to be honest, I’m not really  sure what’s going on. Hayden and I are friends. That’s about it,” sabi ni Nancy.

“I respect that I have my own family, my own career. I really can’t comment because it’s simply not true. Wala naman, eh.”

Sabi ni Nancy, she’s not free anymore as she’s a “committed woman”.

“I have a family. You know what I mean. I really believe that there’s miscommunication. I have no idea what’s going on there.”

Sa isang Startalk interview ay kinumpirma ni Vicki na wala na sila ni Hayden.

“It is over. Yes, we had been fighting regarding Nancy. I think it’s true. I am letting him go so that they don’t have to be hiding, hiding anymore. It is bound to happen because he is young. Yes, we were in love but I am not ilusyonada to think that it would be for life given the age gap,” sabi ni Vicki sa message na binasa ni Butch Francisco.

This was followed by a text message which read: “I don’t need to make a statement. I just want people to stop picking on him. He was so good to me and made me so happy. Sometimes relationship just don’t work out. It’s sad but there’s no one to blame.”

 

BLIND ITEM: On the rocks na raw ang relasyon ng magdyowang parehong artista.

Usap-usapan na hindi pala feel ng madir ng aktres ang boyfriend nito matapos matuklasan na meron pala itong naging benefactor in the past. Hindi ma-take ng mother dear ang nakaraan ng aktor kaya naman sinabihan daw nito ang kanyang anak na layuan na ang kanyang boyfriend.

Ang kaso, hindi naman kaagad-agad mahiwalayan ng aktres ang boyfriend dahil mahal niya ito. Isa pa, mabait naman ito sa kanya at so far ay wala pa naman daw itong ginagawang foul sa kanya para hiwalayan niya ito.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

7 thoughts on “Surfer din ang Fil-British model Kim Jones, bagong gf ni Jericho Rosales!

  1. Maganda at bata ang bagong jowa ni Echo , no wonder looking very young si echo nowadays at super fresh ang face ng jowa nya ha, ang liit ng bewang. good luck sana yan na ang makatuluyan mo.

  2. Blind item, starring Mommy Divine, Sarah Geronimo and Gerald Anderson. And there were gay benefactors in the past, and there are still gay benefactors up to the present.

  3. to all friends followers spread this page make it 1 million like if you want god will end POVERTY,WAR,FEMINEN,HUNGER,CRIME,DISIESE,CALAMITY,DISASTER,DEATH check my facebook site Nostra Followers

Leave a Reply

Your email address will not be published.