Supporters ng RH Bill, Imoral – Cardinal Rosales

“MORALLY-LOST” AT WALANG tamang pormasyon ng kunsensiya ang mga taong sumusuporta sa Reproductive Health (RH) bill, na mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko dahil sa umano’y pagiging ‘anti-life’ nito.

Ito ang sinabi ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales sa kanyang homily sa pinangunahang closing Mass ng tatlong araw na 17th Asia-Pacific Congress on Faith, Life and Family, sa Dusit Hotel, Makati City.

Kasabay nito, iginiit ng Cardinal na pangunahing problema sa bansa ang kawalan ng magandang asal na talamak sa mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Rosales, ang usapin ng contraception ay hindi naman dapat maging isang malaking isyu kung naghalal lamang ang mga mamamayan ng mga mambabatas na may malilinis na kunsensiya.

Aniya pa, kung umiiral lamang ang kunsensiya at pagiging Kristiyano ng mga mambabatas, hindi nila susuportahan ang panukala o programa na kumokontra sa prinsipyo ng moralidad at pananampalataya.

Lilitaw aniya sa magiging desisyon ng mga mambabatas sa kontrobersiyal na panukala kung papaano sila pinalaki ng kanilang mga magulang na silang unang nagpapaunawa ng malinis na kunsensiya.

Dahil dito, nanawagan ang Cardinal sa mga mambabatas na suriin muna ang kanilang kunsensiya bago sila bumoto pabor sa RH bill dahil ang kanilang magiging pasya ay may pangmatagalang epekto sa buhay ng mga Pilipino.

Tiniyak pa ni Rosales na ipagpapatuloy ng Simbahan ang pagtutol sa RH bill at iba pang mga panukala na labag sa moral law.

Sinang-ayunan naman ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal si Rosales at sinabing hanggang sa langit ay hindi titigil ang Simbahang Katoliko sa pangangaral at pagpapabatid sa tao ng tama.

Iginiit pa nito na ang RH bill ay laban sa moral at kultura ng mga Pilipino at ito’y bahagi ng kultura ng Western countries.

Umapela rin ito sa pamahalaan na kung itutuloy ang dayalogo sa RH bill ay ituloy na ito kaagad.

Ani Vidal, ang mga Katoliko ay mga Pinoy rin naman sa isang bansa na mayroong demokrasya, kaya’t marapat lamang na mapakinggan din ang kanilang naisin.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Supporters ng RH Bill, Imoral – Cardinal Rosales

  1. tang inang mga paring ito,kau mga immoral,,pakialamiro sa gobyerno,,bwisit!!!!!!!!!!!! dito nga ka sa europe na nag umpisa ng katolisismo,di cla pumalag sa RH bill,kau pa kaya,,,GO GO GO mga congressman apbrobahan na yan bill n yan,ipakita natin sa mga pari na yan na di tau hawak sa leeg na mga pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published.