Supporters ng Mayoral Candidate, Binugbog ng Kalabang Kampo

APAT NA supporter ng mayoral candidate sa Taguig ang ang bahagyang nasugatan matapos umanong bugbugin ng mga tagasuporta ng kalabang kampo.

Ayon sa biktimang si Fatima Limpasan, 20-anyos, maglalagay dapat sila ng help desk sa labas ng Maharlika Elementary School nang dumating ang mga tauhan ng Public Order and Safety Office at ilan pang nakasuot ng T-shirt ng mayoral candidate at incumbent mayor na si Lanie Cayetano.

Pinagsasapak umano sila ng grupo kaya nasugatan din ang mga kaanak niyang sina Yadi Jarun, 20-anyos; Azman Jarun, 18; at Lino Jarun, 40.

Dinala ang apat sa Taguig Pateros Hospital.

Samantala, sa panig naman ni Cayetano, sinabi ng tagapagsalita nitong si Jello Villar na wala pang official statement ang kampo ng incumbent mayor dahil wala pang official police report sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.