Supplier ng solvent, nahulihan ng 100 botelya

ISANDAANG BOTELYA NG solvent substance ang nakumpiska sa isang lalaki makaraang ituro ng isang 16-anyos na batang lalaki na siyang nagbebenta sa kanila ng volatile substance sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arnel Magaduan, 37, ng Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City.

Ayon sa pulisya, isang “Jonnie” (hindi tunay na pa-ngalan) ang nagturo sa suspek na siyang nagbebenta sa kanila ng solvent sa loob ng Navotas City Fish Port.

Nabatid na si Jonnie ay nahuli ng mga napapatrul-yang barangay tanod sa nasabing lugar habang sumisinghot ng nasabing droga malapit sa nabanggit na fish port dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa.

“Sa takot na makulong siya, inginuso niya si Magaduan na supplier nila ng solvent, P20 daw ang benta sa kanila kada bote,” ayon kay Alberto Gregorio, isang barangay tanod.

Kakasuhan si Magaduan ng paglabag sa Presidential Decree 1619 o iligal na paggamit, pag-aari at pagbebenta ng volatile substance. Kapag napatunayang nagkasala, ang suspek ay makukulong ito ng 8 taon at may multang P8,000.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.