Supplier ng Jollibee, Kinasuhan ng Tax Evasion ng BIR

KINASUHAN NG Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DoJ) ang supplier ng food chain na Jollibee na Great Wall Promotionals Corporation at mga executives nito.

Hindi nagbigay ng tamang impormasyon sa kanilang Income Tax Return (ITR) ang mga opisyal ng nasabing supplier para sa taxable year 2008, ayon kay BIR Commissioner Kim Henares.

Kinilala ng BIR chief ang mga kinasuhan na sina Carlito Pancho, Flordeliza Casimiro at Roberto Co.

Umaabot sa P173.81 milyon ang hindi umano nabayarang income tax ng mga respondent at P66.50 milyon naman para sa VAT o may kabuuang halaga na P240.31 milyon.

Ang mga opisyal ng Great Wall ang ika-85 kinasuhan mula nang mag-umpisa ang Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR at DoJ.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.