Supplier na ‘bata’ ng PCSO Director, nanuhol

ISINAULI NG isang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kay PCSO Chair Margie Juico ang diumano’y isinuhol sa kanya ng isang supplier ng on-line lottery.

Ayon sa sources, ang opisyal ay si Liza Labuyo, head ng PCSO On-Line Lottery. Ang isinauling halaga ay P100,000 para raw itulak ang binebenta ng supplier na hand-held device sonics para sa STL thermal input. Ang supplier diumano ay “bata” ng isang PCSO director na pinangalanang Atty. Francisco Joaquin.

Pinapurihan ni Juico si Labuyo bilang “isang huwarang empleyado na ang katapatan at kalinisan ay dapat ipagmalaki at tularan”.

Ayon pa sa sources, si Joaquin diumano ay nasangkot sa mga kriminal cases kagaya ng estafa.  Kamakailan, binatikos din ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay si Joaquin dahil sa alleged involvement niya sa mga nasabing kaso. Sa interes ng fair play, hinihimok namin si Joaquin na ilahad ang kanyang panig.

Sa panunungkulan ni Juico, halos nalinis na ang mga katiwalian sa ahensya tungo sa pag-aangat ng uri ng paglilingkod sa mamamayan. Honesty at transparency ang pinaiiral ng lahat ng kagawad. Ngunit, ayon sa iba, may mga ilang bagay pang dapat ituwid.

Kaakibat nito, ipinahayag ng PCSO na bawal na ang mag-follow-up o humingi ng tulong para mapabilis ang processing ng mga request for cash medical assistance. Streamlined at mabilis na ang proseso kaya hindi na nagpapabalik-balik pa ang mahihirap na na-ngangailangan.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.