Supplier at Contractor sa Manila City Hall, ‘Di Makasingil

BINATIKOS NG mga supplier at contractor ang City Tresurer’s Office ng Manila City hall sa hindi pagbabayad ng kanilang pagkakautang sa mga nabanggit, anim na buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa mga supplier at contractor, kapag nanini-ngil sila sa pagkakautang ng city hall ay lagi umanong ikinakatuwiran ni De Guzman na wala pang pera at uunahin muna nila ang suweldo ng mga empleyado gayong tuwing kinsenas at katapusan ng buwan ay nakakapagpasuweldo sila.

Idinagdag pa ng mga nabanggit na halos anim na buwan na ngayon naka-pending ang kanilang vouchers sa cash division ng city treasurer’s office at pinagbabayad pa sila contractor’s tax ni De Guzman.

“Ang mga malalapit na supplier na kaalyado ni De Guzman ang agad na nakakakuha ng tseke na mil-yon-milyon ang halaga nang walang kahirap-hirap dahil nagpapadulas ang mga kaalyado ni De Guzman,” wika pa ng mga ito.

“Umuutang lamang kami ng puhunan sa pag-aakalang kikita kami sa pagsu-supply, ngunit kalbaryo pala ang maging supplier nang dahil kay De Guzman na umano’y matakaw sa lagay,” dagdag pa ng mga nabanggit.

Hinihiling ng mga nabanggit kay Manila City Mayor Alfredo Lim na paim-bestigahan ang kanilang reklamo. (ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.