Supplemental Budget, Ipapasa na ng Kamara

TINIYAK NG liderato ng Kamara na maipapasa ng kapulungan ang P14.6 bilyon na supplemental budget sa linggong ito.

Ayon kay Speaker Feliciano Belmonte, ngayong linggo ang target nilang approval ng dagdag pondo dahil kailangang kailangan na ito ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng sinalanta ng mga kalamidad at krisis sa Zamboanga.

Ito ay nangangahulugan na hanggang bukas lamang ang target ng Kamara dahil hanggang ngayong araw ang sesyon sa mababang kapulungan.

Kamakailan ay si-nimulan ang plenary deliberation sa supplemental budget pero nabigong ipasa dahil sunud-sunod ang mga kongresistang nag-interpelate kay House appropriations committee chairman Isidro Ungab.

Pangunahing kuwestiyon sa debate ay ang kawalan ng detalyadong rehabilitation plan na tutustusan ng naturang pondo.

Natapos ang debate nang kuwestyunin ang quorum at nai-adjourn ang sesyon dahil 129 na kongresista na lamang ang present sa plenaryo na kapos na sa quorum.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.