Suporta sa Moratorium sa Matrikula, Hiling ng Grupo ng mga Estudyante

UMAPELA ANG grupo ng mga estudyante sa pamunuan ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad  sa Pilipinas na gayahin ang ginawang rekomendasyon ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) ukol sa moratorium sa tuition increase.

Ayon kay National Union of Students of the Philippines (NUSP) Pres. Victor Villanueva, dapat magpatupad din ng moratorium sa dagdag-matrikula ngayong pasukan ang mga pribadong eskuwelahan.

Sa pinakahuling report ng Commission on Higher Education (CHED), 451 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa ang nag-abisong magtataas ng matrikula para sa academic year 2013-2014.

Samantala, una nang pinuri ng NUSP ang rekomendasyon ng PASUC na isang taong moratorium sa pagtataas ng matrikula sa lahat ng 111 state universities and colleges sa buong bansa.

Sinabi pa ni Villanueva na malaking kaginhawahan para sa mga magulang at estudyante lalo na sa Mindanao na sinalanta ng Bagyong Pablo noong Disyembre ang rekomendasyon ng PASUC na huwag munang magpatupad ng tuition hike sa darating na pasukan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.