Suplay ng Kuryente sa Halalan, Tiniyak ng Comelec

WALANG PROBLEMA ang Commission on Elections (Comelec) pagdating sa usapin ng suplay ng kuryente para sa eleksyon sa Mayo 13.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na may kasunduan na sila ng Department of Energy (DOE) at National Power Corporation (Napocor) para ngayon pa lamang ay makapagreserba na ng sapat na suplay ng kuryente para sa tatlong araw- isang araw bago ang halalan, mismong araw ng halalan at isang araw matapos ang botohan.

Kaya ngayon pa lamang aniya ay may kaunting sakripisyo nang ginagawa ang mga kagawaran.

Ayon kay Brillantes, mayroon nang contingency plan kung hindi maiiwasan ang brownout.

Samantala, kabilang aniya rito ang sapat na suplay ng battery at generator set, partikular sa ilang bahagi ng Cordillera na wala talagang suplay ng kuryente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.