Supervisor, Pinaghahanap sa Pagtangay ng mga Sardinas

PINAGHAHANAP ANG isang supervisor at dalawang driver matapos magpuslit ng mga sardinas sa pinapasukang kumpanya sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga pinaghahanap na sina William Dy, supervisor ng Maunlad Canning Corporation sa R-10, North Bay Boulevard South ng lungsod at mga driver na sina Rey Bernaldo, 39; at Alberto Regner, Jr.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang ipuslit ng mga suspek sa nasabing kumpanya ang 87 kahon ng Youngstown Sardines na nagkakahalaga ng P80,400.

Nang malaman ng pamunuan ay nanghingi ng tulong sa mga pulis at sa isinagawang follow-up operation, nakita ang mga sardinas sa Letre, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Ayon kay Loreto Dolaolao, kaninang umaga ay isang Aluminum Close Van na hindi na nakuha ang plaka ang nakita nito na nag-iwan ng mga kahon ng sardinas.        ( MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.