Super Sireyna Kim Chiu, ‘di tinanggalan ng korona

ILANG ORAS matapos koronahan bilang Super Sireyna Queen of Queens si Francine Garcia also known as ‘Kim Chiu’ ng Quezon City noong Sabado, July 27, kinagabihan ay may mga kumalat naman diumano itong mga ‘nude photos’ sa ilang social media.

May mga nagtatanong ding mga netizens kung babawian nga daw bang korona si Kim dahil daw sa mga eskandalosong litrato raw nito.

Sa ulat ng 24 Oras, sinabi dito na walang katotohanan daw na binawian ng korona at titulo si Kim.

Hindi na rin daw nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng Television And Production Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng Eat Bulaga dahil hindi naman daw totoong binawian nila ng korona ang nanalong Super Sireyna.

Last Monday, nakasama pa si Kim sa opening number ng show.

Sa panayam dito, sinabi niyang may mga bashers at haters daw siya na hindi raw matanggap na siya ang nanalo. Saad pa niya, “’Yung mga bashers and haters… ‘yung mga tao na hindi nakakatanggap na nanalo ka na, of course will still find skeletons in your closet.”

Okay, move on na lang tayo mga kapatid!!!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.