Super lolo

KUNG PANINIWALAAN ANG mga kuwento ni Gerardo Macalla, isang 76 years old complainant na dumulog sa WANTED SA RADYO kamakailan, siya ay maituturing na isang super lolo.

Humingi ng tulong si Lolo Gerardo sa WSR para ma-rescue ang kanyang dalawang dalagitang anak. Kasama ni Lolo Gerardo sa pagpunta sa WSR ang kanyang 27 years old na panglimang asawa.

Ayon kay Lolo Gerardo, nakumbinsi siyang ibigay ang pangangalaga ng kanyang dalawang menor de edad na anak sa isang foundation na pinamumunuan umano ng isang Ray Davis na na-ngakong pag-aaralin ang mga ito.

Ngunit matapos sunduin ang kanyang mga anak sa kanyang tahanan ng driver ni Davis na si Richard Balen, wala na siyang balita pa tungkol sa kanila. Dito na siya nag-alala at sumugod na sa WSR. Pero habang ini-ere sa WSR ang kanyang sumbong, naka-monitor pala si Balen. Agad na itinurn over din ni Balen, ng mga oras ding iyon, sa barangay ang dalawang anak ni Lolo Gerardo.

Sa pakikipagkuwentuhan ng WSR kay Lolo Gerardo, aming napag-alaman na 25 ang kanyang anak sa limang magkakaibang ina. Isa siyang ex-convict na matapos lumaya sa Bilibid agad na nakapagpundar ng mga negosyo at ibinahagi niya ito sa kanyang mga anak. Ngayon, retired na raw siya sa pagtatrabaho at ang kanyang mga anak ang sumusuporta sa kanyang mga pangangailangan – pati na sa kanyang mga luho.

Pangarap pa raw ni Lolo Gerardo ang madagdagan ang bilang ng kanyang asawa’t mga anak. Tinanong ko kung umiinom ba siya ng Robust – isang sex enhancement dietary supplement – at ang sagot niya ay hindi raw niya kailangan ito.

Kaya pa raw niyang makipag-three rounds sa kanyang partner. Kung minsan kapag nasa magandang kundisyon, pagkatapos ng kanyang pag-e-exercise sa baras, kaya raw niya ng limang rounds.

Inamin din ni Lolo Gerardo na mahilig siyang pumunta ng beerhouse at mag-table ng dalawang GRO. Katunayan, pinagkakaguluhan nga raw siya ng mga GRO sa tuwing mapupunta kahit saan mang beerhouse. Kaya raw niyang magbabad hanggang madaling-araw at makaubos ng isang case na serbesa.

Nang tanungin ko si Lolo Gerardo kung halimbawa nagkagusto sa kanyang pareho sina CRISTINE REYES at ANNE CURTIS, alin sa kanilang dalawa ang kanyang pipiliin? Dahil wala raw itulak-kabigin sa dalawa, pagdya-jack en poy-in daw niya sila. At ang mananalo ang siyang pagbibigyan niya at paliligayahin ng tatlong rounds.

Kung tatanungin si Lolo Gerardo, ayon pa sa staff ng WSR na si Carol De Asa, pangarap daw nitong maidagdag sa listahan ng kanyang mga magiging asawa sina LOVI POE, KIM CHIU, MAJA SALVADOR at DAIANA MENEZES – pero mag-jack en poy daw muna ang apat kung sino ang mauna sa kanilang makuha siya.

Habang ibinibida ni Lolo Gerardo ang kanyang ga-ling at mga pangarap, nasa tabi niya ang kanyang panglimang misis na nakasuot ng braces at nakangiti lamang habang nakikinig at walang imik.

Ayon sa co-host kong si Niña Taduran, hindi raw imposibleng matupad ang mga pangarap ni Lolo Gerardo na makapiling ang nasabing mga bituin – sa pelikula nga lang. At tagahalay.

 

Ang WSR ay mapakikinggan sa 92.3 FM, Radyo5, 2:00-4:00 pm, Monday-Friday.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.