SUPER emote ang flawless sexy actress na ito habang nakikipag-usap sa kanyang comedian friend actress.

SUPER emote ang flawless sexy actress na ito habang nakikipag-usap sa kanyang comedian friend actress. Ang topic? Mga naging jowa niya.

Bakit daw hanggang ngayon wala pa raw siyang seryosong relasyon, samantalang dati raw ang daming guys from showbiz at politics ang nanligaw at nambobola raw sa kanya?

Siyempre, sumagot ang friend niyang actress/comedian ng “Loka! Bakit kasi puro bading ang naging jowa mo?”

Gulat-gulatan naman ang reaksiyon ni flawless sexy actress. “Naku, mga malilinis lang sila sa katawan.”

Hagikgik to the max naman si comedian/actress sabay namesung sa mga naging boyfriend ni flawless sexy actress. Ang ending, parang nauntog si flawless sexy actress, sabay bigkas ng “Kaya pala panay touch sa akin, gusto pala nilang maging flawless na tulad ko!”

Ay, naku! Dami na namang magtatanong kung sino ito. Yes! Billboard model ng sabon diyan sa cubao ‘yung isa, at ‘yung isa naman, model ng kapsula at may billboard sa mga MRT stations. ‘Yun na!

(Gary de Leon)

loading...

4 thoughts on “SUPER emote ang flawless sexy actress na ito habang nakikipag-usap sa kanyang comedian friend actress.

  1. Sa totoo lang I like RFQ sa Bubble Gang–pero why does she show her ka EngEngan sa Showbiz Central?
    Eugene Domingo all the the way–at least she does not use cesspool words, or sexual innuendos for her comedy routine–na di tulad ng isa jan na puros imburnal na lumalabas sa bunganga para lang magpatawa ng tao. Eugene has definitely got MORE talent paano ba naman UP Teatro siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.