Super Communications Group ni P-Noy, Binira ni Legarda

KINUWESTIYON NI SENADOR Loren Legarda ang tila pagbibigay ng prayoridad ng gobyerno sa “messaging” kaysa sa pamamahala sa paglikha nito ng bagong Communications Group.

“Super communications group? Bakit? Is this governance or messaging?” tanong ni Legarda sa mga mamahayag kahapon.

Paliwanag ng senador na dating broadcast journalist, “I mean governance is really feeding our people. I am a communicator, it’s important to have the right message but we should go beyond creating the right message and really make sure that the hungry people are fed.”

Ang communications group ay pinamumunuan nina dating Presidential Management Staff chief Sonny Coloma at dating  ABS-CBN news anchor na si Ricky Carandang, pawang may ranggong Cabinet.

Tinuligsa rin ni Legarda ang direktiba ng Palasyo na mag-appoint ng spokesman sa bawat departamento ng gobyerno na makikipag-ugnayan sa communications group.

“Too many cooks are always a disadvantage. It spoils the broth. But let’s see if they will limit themselves to their respective departments. My question is will they cull these spokesmen from existing plantilla positions or create new ones?” tanong pa ng senador.

Hindi rin umano maintindihan ni Legarda kung bakit kailangan pang magkaroon ng magkaibang tao para sa paggawa ng mga mensahe at sa pagpapahayag ng mensahe.

“You mean every step of the way, ibang trabaho ‘yun?” pagtatanong pa niya.

Ayon pa kay Legarda, hindi “on-the-job training” ang trabaho ng mga opisyal ng gobyerno. Inaasahan mula sa kanila na harapin at sagutin ang lahat ng katanungan na itatanong ng mga tao sa kanila.

Dapat umang mas bigyan ng pansin ng gobyerno ang seguridad sa pagkain at tubig, na ayon sa senador ay bahagi lahat ng pambasang seguridad, sa halip na pagbuhusan ng pansin ang pagpapadala ng mensahe.

“Our priority is disaster preparedness, not communications. It’s a priority because we have to communicate the message to the people but what message will you communicate if people are hungry?” pagdiin ng senador.

“But then again, we will give them the benefit of the doubt, we just don’t want that the priority is all messaging when people are hungry,” dagdag pa ni Legarda.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Super Communications Group ni P-Noy, Binira ni Legarda

  1. korek, ganyan lang naman talaga gawain nila, asan mga yan nung bagyong ondoy di ba nga sya ang in -charge sa kalikasan kuno tapos nung me bagyo ni anino di mo nakita

  2. Loren, wala ka na, bago kayo mag comment tignan ninyo kung saan ninyo dinala ang PORK BARREL ninyo. Marami bang napakaiin na mahirap, marami ka bang nagawa sa tagal mo sa iyong position. Hindi kayong mga nasa GOVT> ang walang alam kung hindi maging tagasilip ng magiging mali ng bagong upo as president, ang sa inyo dapat ay ano ang inyong contribution para mabawasan ang corruption at mapabuti ang economy ng bansa , hindi yung economy lang ng inyong buhay at bulsa. Dapat sa iyo ay mamahinga na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.