Sunusulsulan daw si Lian Paz
Paolo Contis, masama ang loob sa mga itinuring na kaibigan

NAGSALITA NA rin si Paolo Contis sa Startalk nu’ng kamakalawa lang, pero maayos ang mga sagot nito pagdating sa isyu ng hiwalayan nila ni Lian Paz.

Nilinaw nitong walang third party na involved sa kanilang hiwalayan.

Sabi kasi si Lian, isang taon na raw ang pakikipagrelasyon ni Paolo sa ibang babae.

Sagot naman ni Paolo, mas alam ni Lian ‘yun dahil ilang buwan daw siyang walang drama series na ginagawa, nasa bahay lang ito at nagbabantay sa dalawang anak nila.

Sa dami ng problemang hinaharap niya ngayon, wala siyang panahong makipaglandian sa ibang babae.

Ayaw na talaga ni Paolo na magbatuhan sila ng paninira sa TV. Kung puwede lang daw, pag-usapan nila ito in private at hindi na ilabas sa TV.

Kaya ‘yun na ang huling pagpapa-interview ni Paolo kaugnay sa isyung hiwalayan nila ni Lian.

Kung ano man ang dapat nilang ayusin o klaruhin, pag-usapan na lang daw nila in private.

Sinundan ito ng tanong ni Joey de Leon kung may pag-asa pa bang magkaayos sila. Sabi lang ni Paolo, ang concern lang niya ngayon ang dalawang anak nila na mapalaki ito nang maayos. ‘Yun lang!

Kung napanood ni Lian ‘yun, siguro manahimik na rin siya. Ayusin na lang nila ni Paolo ang kung ano mang dapat nilang ayusin pagdating sa kanilang anak.

Sinabihan ko na si Paolo na huwag na siyang magsalita talaga at magtrabaho na lang siya nang maayos .

Ayusin niya ang mga problema niya sa mga pinagkakautangan niya, at baguhin na niya ang ugali niya.

Pero hindi naiwasan ni Paolo na magpatama sa mga kaibigan niya na alam niyang ito ang nagsusulsol kay Lian.

Sabi nga niya, nakinabang naman daw itong mga kaibigan ito, pero ngayong wala na silang pakinabang sa aktor, nandiyan na sila, nagsasalita ng kung anu-anong diperensya nito.

Alam naman daw niya kung sino ang mga ito. Nasasaktan lang daw siya dahil itinuring niya itong mga kaibigan, pagkatapos kung anu-ano ang mga sinasabi laban sa kanya.

 

NILINAW RIN ni Barbie Forteza ang isyung away daw nila ni Bea Binene.

Siyempre abala ngayon si Barbie sa promo ng bagong telefantasya nilang Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa kaya visible siya ngayon para sagutin ang intrigang ito.

Kung sa bagay, sinagot din ni Bea na wala raw talagang away sa kanila ni Barbie. Kaya sinundan lang ito ng sagot ng bida ng Paroa.

Sabi ni Barbie, hindi raw sila ganu’n ka-close ni Bea pero hindi naman daw sila magkaaway.

Naintindihan naman daw niyang sila ang mahigpit na pinaglalaban kaya hindi maiwasan ang mga ganu’ng intriga.

Pero wala raw talaga silang away at hindi raw totoong hindi sila nagbabatian sa rehearsal ng Party Pilipinas, dahil hindi naman daw siya madalas na lumabas sa Party Pilipinas.

Well, tingnan na lang natin kung ano talaga ang totoong nangyayari sa kanila.

Abangan n’yo na lang mamaya ang Paroa bago mag-24 Oras.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Sunusulsulan daw si Lian Paz
Paolo Contis, masama ang loob sa mga itinuring na kaibigan

  1. magiging masaya siguro ang taping ng Manny Many Prizes. Sino kaya ang unang tatanggalin ni Manny? Sino kaya ang hindi na isasama sa bagong show ni Manny na papalit sa MMP?

  2. NAKU, ISA NA NAMANG WALANG KA-EFFORT, EFFORT NA SERYE NG GMA-7 ANG PAROA CHURVANESS HAHA! ANMO BA YAN, WALA NA BANG MAISIP NA IBANG TEMA ANG MGA WRITERS NG NUMBER 1 NETWORK KUNO? HAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.