Sunud-sunod na kalamidad sa bansa, ‘wake up call’

NAKABABAHALA UMANO ang sunud-sunod na kaganapan sa bansa sa nagdaang ilang buwan kung saan magkakasunod ang karahasan at kalamidad ang nangyari.

Ayon kay Archbishop Emeritus of Cebu Ricardo Cardinal Vidal, naniniwala ito na ang mga insidente ay isang “wake up call” para sa ating lahat na itigil na ang pagiging ganid sa pera at itigil na ang pagsira sa kalikasan.

Matatandaan na sa mga nakalipas na buwan ay sunud-sunod ang masasamang pangyayari ang humagupit sa bansa, kung saan ang ilang bahagi ng Luzon ay palaging nakakaranas ng pagbaha, sa Mindanao naman ay nangyari ang madugong labanan ng militar at MNLF at kamakailan lang ay ang pagtama ng malakas na lindol sa Central Visayas.

Dahil dito, maraming buhay ang nalagas, bilyun-bilyong pisong halaga ng mga ari-arian ang nasa-lanta, nasirang imprastraktura at maraming mga pangarap ang biglang naglaho.

Samantala, inihayag pa ni Vidal na ang mas higit na nakakapangamba ay parang parang hindi na natuto ang mga lahat kahit nagbabala na ang Diyos na ang mga nangyaya-ring kalamidad ay posibleng

paraan sa panggising o pagtawag pansin ng Maykapal sa mga tao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.