Sunshine Garcia, iiwan na ang SexBomb?!

MUKHANG ISA NA namang miyembro ng SexBomb Girls ang nakatakdang iwan ang mundo ng pagsasayaw dahil sa pag arte sa katauhan ni SB Sunshine Garcia na mas ma-limit na mapanood na umaarte at nagpapatawa sa Banana Split kaysa pagsasayaw kasama ang co-SexBomb Girls.

Mas gusto na raw kasing bigyang-oras ni Sunshine ang pag-arte dahil sobrang tagal na rin naman daw ang inilagi nito sa grupo at ibinigay na nito ang kanyang buhay sa pagsasayaw nang kung ilang taon. Kaya naman ngayong medyo namamayagpag ang kanyang acting career, ito naman daw muna ang gusto niyang gawin.

Kung sa bagay, marami nga ang nakakapansin  sa husay umarte ni Sunshine na minsan na rin naman niyang ipinamalas noong mga panahong namamayagpag ang Daisy Siete, at sa iba pang shows ng GMA-7, bilang kontrabida .

Balita pa na from TV, pinasok na rin ni Sunshine ang mundo ng pelikula, kung saan isang magandang role sa isang indie film kasama ang ilang malalaki at dekalidad na artista. At kahit nga raw hindi kalakihan ang role ni Sunshine, maganda at pihadong tatatak sa isipan ng mga manonood ang character na gagampanan nito.

So goodbye na talaga sa SB Girls si Sunshine ?

 

HOW TRUE NA dahil sa sobrang in love ngayon si Arnell Ignacio, isinama nito sa kanyang show sa Japan ang kanyang sinasabing Papa na si Kenneth Salva, title-holder ng isang male pageant, model at tubong-Davao?

Balitang gastos ni Arnell ang pamasahe hanggang sa titirahan at pang-shopping ng kanyang bagong pag-ibig. At take note, bago ito umalis ay nagbiro pa raw, sabay tawa, na ito ang kanilang magiging honeymoon.

Ang tanong, isinama kaya ni Arnell si Kenneth sa Japan para pagselosin si Suzuki Sadatsugu na ngayon ay naka-base na sa Japan at doon nagtatrabaho? Dahil pihadong magkikita ang dalawa or ipapakilala ni Arnell si Kenneth kay Suzuki bilang bago niyang Papa. Well, ‘yan ang ating tatanungin kay Arnell pagbalik niya galing Japan.

 

HINDI LANG MGA senior stars ang nagpaparamdam na gustong makatrabaho ang nag-iisang Superstar, dahil kahit mga young stars ay nanga-ngarap din na makasama at makatrabaho ang nag iisang Superstar sa gagawin nitong mini-serye sa TV5.

Isa nga rito ang isa sa mahusay na young star na si Meg Imperial na napapanood sa Bagets, Pidol’s Wonderland at Hey, It’s Saberdey.

Ayon kay Meg, dream come true raw para sa kanya kung saka-sakaling makakatrabaho niya si Ate Guy. Sana nga raw ay mabigyan siya ng TV5 ng pagkakataong makatrabaho ito.

Alam daw kasi ni Meg na marami siyang matututunan kay Ate Guy pagdating sa tamang pag-arte, bukod sa naniniwala raw ito na isa sa kukumpleto sa pagiging artista ng katulad niyang baguhan sa industriya ang makatrabaho ang Superstar.

 

MULA SA GALING sa pagsasayaw, kinakikitaan na rin ng galing sa pag-arte ang Focus E in-house talent na si Julian Trono via Futbulilits, kung saan isa si Julian sa mga batang nangangarap na maging isang ganap na mahusay na Football player.

Unang napanood si Julian sa Daisy Siete na nasundan ng pagbibida sa Panday Kids, at ngayon nga ay sa Futbulilits. Bukod sa galing sa pag-arte, maituturing ding isa sa pambato ng GMA-7 pagdating sa hatawan sa dance floor si Julian na ipinakikita nito every Sunday sa Party Pilipinas, kung saan nakaka-showdown nito ang mga dance prince and princess ng nasabing Sunday variety show.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Sunshine Garcia, iiwan na ang SexBomb?!

  1. oo nga..isa sa mga magaganda si sunshine sa sb..dapat na rin siguro na magkanya-kanya na sila..dati talaga ok nag sexbomb dahil bata pa sil..ehh ngayon?

  2. dapat iwan na niya maganda naman siya at magaling na artista at tsaka tumatanda na sila kailangan magkanya-kanya na sila kaya sunshine mwaaahhh..ganda mo

  3. Pingback: Sunshine Garcia, iiwan na ang SexBomb?! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.