Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan, ‘di raw lalayas sa SexBomb!

MARIING PINABULAANAN ng CEO/President ng Focus E at manager ng SexBomb Dancers na may malalagas na naman sa grupo sa katauhan nina Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia na parehong nagso-solo na rin sa pagtanggap ng proyekto na naisyung titiwalag na sa grupo at magko-concentrate na sa pagiging solo, katulad ni Rochelle Pangilinan at hahanap ng ibang manager.

Ayon kay kaibigang Joy, purely tsismis lang ang nasabing balita at walang katotohanan, dahil hanggang ngayon daw ay nanatiling loyal sa SexBomb sina Sunshine at Mia kahit may kanya-kanya na silang proyekto. Sumasayaw pa rin daw ang mga ito kapag kaya ng kanilang schedule.

Nagulat nga raw siya nang may lumabas na ganu’ng klaseng balita, dahil okey naman daw ang manager-talent relationship nila ng dalawang SexBomb girls. Wala naman daw nagiging problema sa pamamalakad niya sa dalawa kaya walang rason para iwan ng mga ito ang kanyang pamamahala sa gumagandang career nina Sunshine at Mia.

Dagdag pa ni Joy, deadma na lang siya sa mga ganung klaseng balita, lalo na’t wala namang katotohanan, mas tututukan na lang nito at mag-100% fulltime sa kanyang Focus E kung saan bukod sa SexBomb ay ito rin ang nangangalaga sa career ng young actor na si Julian Trono.

 

HINDI PA man nangangalahati ang taon ay sunud-sunod na ang nabubuntis! Nag-buena mano na si Sunshine Dizon na lumabas ang balitang 6 months preggy sa kanyang 2nd baby na isang lalaki mula sa kanyang guwapong hubby na si Timothy Tan.

At sinundan ito ni Katrina Halili na umamin na 3 months pregnant mula naman sa kanyang boyfirend na napabalita noong break na dahil sa kontrobersyang kinasangkutan ni Katrina Halili with Hayden Kho, ‘yun pala ay hindi pa, na si Kris Lawrence. Dahil kung hindi pa ito nabuntis, hindi pa malalaman ng lahat na hindi pala sila totoong naghiwalay.

Napaka suwerte ni Katrina kay Kris dahil hindi ito iniwan ni Kris noong mga sandaling kailangan niya ng taong masasandalan gawa ng pagsabog ng kontrobersiya sa kanila ng BF ni Dra. Vicki Belo.

Sino naman kaya ang susunod na mabubuntis among local celebrities natin at hahabol kina Sunshine at Katrina? ‘Yan ang ating aabangan!

 

HABANG PARAMI nang parami ang mga sumusubaybay, lalong lumalawak ang naaabot ng Face to Face sa pagpasok ng nangungunang talakserye sa ikatlong taon nito. Buong linggong ihahatid ng barangay hall on-air ang malalaking harapan ng mga sangkot sa isyu sa “Barangay Face to Face” simula Lunes hanggang Biyernes (Marso 26-30), 10:30 ng umaga sa TV5.

Dahil sa popularidad ng Face to Face sa buong Pilipinas, susuyurin ng programa ang iba’t ibang panig ng bansa upang masolusyonan ang mga hindi pagkakaunawaan sa mismong mga barangay.

Sa Lunes, sa Brgy. Lucap, sa Alaminos, Pangasinan ang destinasyon ng programa upang pakinggan ang idinulog na problema ni Aling Belen. Reklamo niya, wala siyang kaalam-alam na may namamagitan na sa kanyang asawang si Mang Enrico at sa kasambahay nilang si Helen na humantong sa pagdadalang-tao ng huli. Bunga nito, nagrebelde na rin ang anak ng mag-asawa na si Joy. Alamin ang kuwento nila sa episode na “Kapag Wala si Maybahay, Bantay-Sarado ni Mister si Kasambahay”.

 

HINDI RAW naiinggit ang tween star na si Rhen Escano, mas kilala bilang primera kontrabida sa number 1 youth-oriented show na Tween Hearts na si Lucy, sa mga co-tweens nito na nagbibida na sa kani-kanilang show sa GMA-7.

Ayon kay Rhen, okey na raw sa kanya ang maging kontrabida kaysa bida, dahil mas maraming proyekto ang naibibigay sa kanya, katulad na lang daw ngayon na dalawa ang kanyang bagong show, bukod sa Tween Hearts at Master Showman, ito ay ang The Good Daughter, kung saan isa siya sa kontrabida ni Kylie, at ang Legacy, kung saan kontrabidang sister naman ni Lovi Poe ang kanyang ginagampanan.

Happy na raw si Rhen kung ano ang meron siya sa ngayon. Ang mahalaga raw, hindi siya nawawalan ng proyekto. Dagdag pa raw dito ang dalawang indie film na gagawin niya ngayong taon kasama ang ibang co-tweens niya.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan, ‘di raw lalayas sa SexBomb!

  1. oh!!! my sexbomb dancers pa pala? hahahahaha! akala ko nabuwag na ang grupong yan? hahahaha! mag kanya kanya na lang kasi eh wala naman nang nangyayari sa grupong yan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.