Sunshine Dizon, walang planong mag-ober da bakod! – Pilar Mateo

WALA RAW KATOTOHANAN na lulundag patungong Kapamilya network ang tinaguriang bagong ‘pasaway’ na artist ng Kapuso network na si Sunshine Dizon.

Sinadya namin si Sunshine sa kanyang annual gift-giving para sa mga kapus-palad na mga kabataan na sa bayan nila sa Iloilo, laging ginagawa. Pero noong Sabado ng hapon, isinagawa ito sa Rasak Sports Complex sa corner ng Alvarez St. at Rizal Avenue sa Maynila, sa pakikipagtulungan sa DSWD ng 3rd district ng Maynila.

Dito rin sinagot ni Sunshine ang mga intriga sa kanyang diumano’y kanyang tinakbuhan o tinaguan.

Una, hindi raw siya buntis. Imposible naman daw na dalawang buwan lang siyang nag-buntis eh, ‘eto na uli siya sa harap namin.

Ikalawa, hindi raw siya umalis ng Pilipinas. Totoo raw na plinano niya ang tumungo ng Amerika para madalaw ang kanyang ama. Pero dahil nga meron siyang pelikulang sisimulan sa Enero, ito na rin ang nag-advise sa kanya na pumunta siya ng Amerika na matagal-tagal ang magiging bakasyon niya.

Ikatlo, wala nga raw katotohanan na llipat siya sa Dos. Dahil two nights bago naganap ang nasabing gift-giving, nakipag-dinner daw si Sunshine at ang kanyang inang si Dorothy Laforteza sa tahanan ng mga Gozon. Kung saan din naganap ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa nasabing istasyon. Ni-renew ito kaya may dalawa pa siyang taong mag-i-stay sa Siyete, hanggang 2012!

Zero nga raw ang love life ni Shine. And advice nga raw sa kanya ng doctor niya na siyang nagsabing na-over fatigue siya talaga dahil sa naging sunud-sunod na trabaho niya, na gusto man daw niya, eh, talagang hindi kinayang labanan ng kanyang katawan.

Ang naging bakasyunan ni Sunshine eh, ang mga tahanan ng mga kaibigan niya sa Pampanga na siya ring sumuporta sa kanya sa nasabing proyekto.

Naging kapansin-pansin lang sa amin ang nag-iisang lalaki na sinasabi ni Shine na isa sa mga friends niya sa grupong nandu’n. The guy, Tim Tan is a pilot of Cebu Pacific. Nag-iisang anak. At mukhang sa tatlong buwan pa lang na pakikipag-kilala at pakikipagkaibigan kay Shine, eh, may magandang kahahantungan.

Ang sabi lang ng butihing ina ni Shine na si Mommy Dottie, magkakatotoo lang daw na mawala si Shine sa Siete kung mag-aasawa ito o magpapa-kasal na. Pero dahil nga may bagong kontrata, mukhang dalawang taon pang magwe-wait si Tim kung saan man dadalhin ng kapalaran ang paglalapit nila ng dalaga.

Wine-welcome din ni Shine as a happy addition to the network si Claudine Barretto na wish niyang makasama sa isang proyekto soon!

ISA pang nagpa-abot ng kasiyahan niya sa pagpasok ni Claudine sa Siyete eh, ang iniintriga ring umalis ng S.O.P. na si Jolina Magdangal. Ito ang naging tanong kay Jolens sa bonggang-bonggang Christmas Party ng manager niyang si Perry P. Lansigan at ng kanyang PPL people and artists for the press.

Say ni Jolens, matagal na raw nilang plano ‘yun ni Perry. At walang kinalaman doon ang pagpasok ni Claudine sa nasabing istasyon dahil kelan lang naman daw pumirma roon ang aktres.

Sa mga paiwas na sagot ni Jolens, mahihinuha naman na malamang na bumalik pa rin siya sa nasabing variety show pero lagi nga lang nitong sinasabing may kung anong mga plano lang silang aayusin ng kanyang manager sa simula pa lang ng 2010.

Kaya, secret na lang daw muna habang hindi pa plantsadung-plantsado ang lahat.

Sa Year of the Golden Tiger na kaya muling mag-boom ang love life ng dalaga kay Mark Escueta?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

7 thoughts on “Sunshine Dizon, walang planong mag-ober da bakod! – Pilar Mateo

  1. hindi naman pagtitiyagaang kunin e2 ng dos dahil wala namang followers e2! at isa pa, hindi pa siya ngtatagal sa showbiz world eh gnyan na ugali ng pasaway na yan. what more kung talagang naging sikat yan.
    kaya abs, hwag kayong mgkakamaling kuhanin ang bruhang e2!

    • naiinis lang ako. kasi diba, kahit saang forum ka magpunta merong network wars. kaya sana magpatayan nlng sila. s lecheng network wars na yan!! tayong mga filipino for once and for all ndi magkasundo. marami satin my crab mentality, yan ang bagay sakanila. para hindi na sila magsasalita ng masama sa mga artista na ayaw nila. nakakainis ng sobra. unang una yang MARIAN AT ANGEL na yan. pg my sumikat na bago, pilit nilang dinadown. bat ayaw nilang murahin ng harapan ung mga kinamumuhian nilang artista sa mga mall shows nito. nakakalokah lang. apektado tlga ko. kasi pareho ko silang idol. hindi ko alam bakit nagaaway away ang mga fans nila. ung iba gumagawa pa talaga ng kwento. NAPAKAWALANG KWENTAng mga tao. cguro kumikita cla d2 kc nga dba, kung ugali mo lng mgbasa ng showbiz news dna klngan mgsbi ng kung anu pa. mgbsa knlng. sa inaraw araw kong pgbbasa ng pinoypaparazzi pti pep, puro away nakikita ko. nakakairita tlga. murahan dito murahan don.

      • i totally agree with you, dahil walang kakwenta-kwentang bagay ay pinagtatalunan at nagmumurahan na hindi naman dapat ganuon. pareho akong may TFC at GMA7 pero kung anong feel kong panoorin ay un ang pinanonood ko and i couldn’t care less kung sino ang umaariba sa rating. :)

  2. maglipatan kayo!! at mga fans ng dalawang network. mgpatayan kayong lahat!! bwahahah!! msaya yan!! magmurahan kayo, magpatayan kayo!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.