Sunshine Dizon, too old for All About Eve?

Oh My G!
by Ogie Diaz

HALATANG DEHINS TYPE ng isang e-mail sender namin si Sunshine Dizon. Kasi, tinatanong niya kami kumbakit ginagawa pa raw bida si Sunshine sa All About Eve eh, mukha na raw itong matanda?

Ano ba? Nasa edad ba talaga ‘yan? Wala namang kaso kung una, mahusay namang umarte si Sunshine. Pangalawa, kung merong clamor sa pagbabalik ni Sunshine, ‘di ba?
“Sino naman ang kikiligin ke Sunshine eh, kahit pumayat na siya, mukha pa rin siyang mataba,” sey pa ng aming e-mail sender na ayaw namang ipabanggit ang pangalan, dahil nahihiya sa kanyang officemates.

Honestly, hindi na nga mukhang bagets si Sunshine, pero hindi mapapasubalian na mahusay umarte ang babaeng ito.

HINDI NAGKAROON NG impact ang balitang natigok sa pag-o-overdose ng droga si Cogie Domingo. Kasi, kung true ito, eh, di nagtuluy-tuloy na ‘to, ‘di ba? Eh, natigok din agad ang tsismis.

Saka sa mga Pinoy pa, me makaliligtas na tsismis? Wala, ‘no!

Tumawag nga rin kami sa house ni Cogie dito, eh. “Nakarating na rin po sa amin ‘yan, pero hindi po true, eh! Nasa Amerika po siya ngayon, kasama ang mommy niya,” sey ng babaeng nakausap namin sa landline.

Juice ko, ‘yung mga gagong nagpapakalat ng text na morbid, sige kayo, ‘pag hindi kayo tumigil, tatalbog ang karma sa inyo.

SAKA TIGILAN NA nga ‘yang may utang pa si Ara Mina sa sister niyang si Christine Reyes ng P1.8 million. Juice ko, sa dami naman ng nagawa at sa hirap naman ni Ara sa pamilya niya, baka si Christine pa ang me utang sa kanya, ‘no!

Big deal bang nangutang si Ara ke Christine eh, kapatid naman niya ‘yon? Ang big deal eh, kung si Ara eh, nangutang ke Kristine Hermosa o kay Christine Jacob, ‘no!
Eh, ‘yung uminit daw ang ulo ko? Hahaha!

ALAM N’YO BA, nandito kami ngayon sa isang internet shop sa Bacolor, Pampanga? Me taping kasi kami ng May Bukas Pa. Mga high school students ang nandito. Nagka-counterstrike sila.

Hindi na namin inalam kung mas nag-e-enjoy silang naglalaro kesa ikain ‘yung baon nilang pera. Ang nakakatuwa sa mga batang ito, habang naglalaro, eh, pinag-uusapan si Francis Magalona.

Lungkot na lungkot sila sa nangyari kay Francis.

At ‘eto na ang nakakalokah. Kahit Kapampangan sila, naintindihan ko kahit paano.
Hindi na kami sumabad sa usapan. Kasi, hindi kami marunong mag-Kapampangan.
Ang importante, naapektuhan sila sa pagkamatay ni Francis M.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi mula Lunes hanggang Biyernes sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882AM Band o ‘di kaya ay mag-log on sa www.dwiz882.com para makasagap kayo ng latest chika, 11-12nn.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.