Sunshine Dizon, piloto ang bagong ka-date?! – Joey Sarmiento

SI QUICKIE ANG rapper na half-brother ni Krista Ranillo na madalas na laman ng blind item nitong mga nakaraang araw. Siya ‘yung personalidad na may malaking sama ng loob kay Krista at sa family nito dahil buti pa raw ang kanilang aso na si Sophie, e, naibibigay nila ang luho at pinagkakagastusan ng malaki sa eroplano at sa ‘Merika. Si Ed Manuel ang ama ni Quickie na unang naging ka-partner ng mother ni Krista bago si Mat Ranillo III.

Masama rin daw ang loob ni Quickie sa kanyang mother na si Linda Tupaz dahil hindi nito kinikilala ang kanyang apo at never daw itong tinulungan kapag nangangailangan.

Malamang, alam ni Quickie ang tunay na kalagayan ni Krista, kung buntis ito o hindi. Malamang, alam din niya ang tunay na naging relasyon ni Krista kay Manny Pacquiao. At malamang din, kapag nagtuluy-tuloy ang kanyang galit sa kanyang half-sister na si Krista at sa mommy nila, e, lalabas ang lahat ng kuwento galing sa kanya… pwamis!

We all know na maraming gumagawa ng mga gimmicks sa showbiz lalo na kung may mga loveteams na pinu-push at meron pang mga drumbeaters para kiligin ang mga fans.

Just wondering, may nakapagbalita kasi sa amin na scripted daw ang pagbibigay ng pink bike ni Gerald Anderson kay Kim Chiu kaya we would like to ask ABS-CBN’s PROs, true ba ito?

Hmmm… kung sa bagay, kung talagang magbibigay ka ng regalo sa iyong love, bakit kaya kailangan pa itong i-broadcast at i-cover ng isang TV show? Hindi ba’t mas romantic at sincere kung ibibigay ito in private? Just asking lang naman po.

Isang pilot na may last name na Tan ang ka-date ni Sunshine Dizon nang minsang bumirit ito at nagpakitang-gilas sa pagkanta sa may Technowave Bar last weekend.

Matangkad at guwaping si pilot Tan kaya naman botong-boto sa kanya ang mga friendship ni Shine. Bukod sa boylet, e, kasama rin ni Shine ang iba pa niyang friends na nagkakasiyahan sa naturang bar.

And if Shine is around, will Mommy Dorothy be far behind? Nandu’n din naman si Mommy Doty para mag-estima sa mga kasama ni Shine.

The way we look at it, e, mukhang boto naman si Mommy Doty kay pilot Tan dahil wala naman itong sinasabing hindi maganda against the guy.

Kilala namin si Mommy Doty dahil kung hindi niya gusto ang isang boylet para sa kanyang anak, sigurado, gigiyerahin na niya ito nang todo.

Very casual naman si Shine and as much as possible, e, ayaw niyang maintriga sila ng kanyang ka-date. Medyo umiiwas nga siya sa amin that night para siguro hindi na namin siya kulitin tungkol sa kasama niyang piloto.

Nasa edad na naman si Shine at kung sakaling maging lucky ang guy, e, bagay naman silang dalawa. Kahit itanong n’yo pa kay Mommy Doty.

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Related Post

loading...

8 thoughts on “Sunshine Dizon, piloto ang bagong ka-date?! – Joey Sarmiento

  1. Oh please, this gerald guy is so showbiz! napakapilit at TH ng pagpapa-sweet nila ni kim….mr gimikero….abs tlaga napaka TH i-link ang mga magkaka loveteam para lang bumenta!

  2. Of course sasabihin ng mga anti-KIM na scripted at kung ano-anong ek.ek. Hindi kasi nila matanggap na sobra-sobrang blessing for Kim ngayon. Hataw pa sa career at lovely sobrang happy pa dahil may isang Gerald Anderson na nagmamahal sa kanya. Manigas na lang kayo sa inggit.

  3. everythng is scripted bet gerald en kim.. pinipigilang mnligaw c gerald s ibng girls noh… like nina jose en pauleen luna… helo? wake gerald…

  4. Paan0 mg2ng scripted ung pgbi2gy ng gft ni ge kay kimmy? Matagal n niang naibgy yung pink bike na un ky kimmy b4 xmas pa,kya db sa 1ng intrview nla sa snn eh tnn0ng cla kung kailan nla ibbrake in ung bike?sg0t ni ge brake in na brake in n dw as in gamit n gmt na dhl mdls n nlng gmtn ung bike t0gethr,dhl b4 xmas pa bngy un ni ge,,ang 220ng xmas gft tlga ni ge ky kimmy eh pra sa bhay ni kimmy na hnd dw mabu2hat dhl super laki at ayw sbhn ni ge,gs2 nia private nlng,db nga kht an0ng plit ni kris sa d buzz eh wlang dinitalye c ge,kung gs2 nla tlgng mgpskat at gwng publc un dpt cnb na nia,,s0 paan0 mg2ng scrpted?saka db cnb dn ni kimmy sa d buzz na pnaala2 pa sa knya ng isa sa mga staff ng d buzz na mgb2gyn cla ng gft 0n air,nklmtn pa nga ni kimmy,s0 paan0 mg2ng scrpted un?aba dpt nkaauz n tlga un bkt gn0n nklmtn pa nung 2 ung mga gft?mga icp ni0 din eh…d ni0 lng mtnggp na super sikat cla hanap butas lng kau…

    G0 g0 kimerald.

    • Admin, pwede bang i-ban ang mga nagc-coment ng txt format? Ang hirap basahin ng mga bobo at illiterate na mga kabataan na ‘to!

  5. Di ako maka-Krista, pero sa totoo lang, wala siyang responsibilidad tumulong sa half-brother niya na mas matanda pa sa kanya at may anak na. Siguro yung ina nila pwede pa, pero si Krista? Di na musmos ang lalaking yan. Kung di siya mabuhay sa pa-DJ DJ, eh di maghanap siya ng ibang trabaho na mas stable.

    • kht anong sabihin mo…dey are brothers,family
      mas mahalaga paba ang aso kesa sa palinya mo?(kht half lng cla)
      even mas matanda ung la2ke kung kailngang kailngan nmn ng 2long bkit hindi dba?
      cnabi nmn sa article na pati ung anak nung la2ke ayaw kila2nin dba? tama ba un????

Leave a Reply

Your email address will not be published.