Sunshine Dizon, nilaglag ng Siyete! – Gorgy’s Park

ILANG BESES DIN naming nakausap si Mommy Dorothy tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng anak niyang si Sunshine Dizon at naramdaman naming hirap na hirap ito at hindi na niya alam kung ano ang mabuting gagawin para sa kanyang anak.

May mga ilang pag-uusap kami na umiiyak ito nang husto dahil nag-away na naman sila ni Sunshine. Hindi ko na mawari kung anong klaseng relasyon meron silang mag-ina.

Ang tanging ipinapayo na lang namin kay Mommy Dorothy, mabuting pagbakasyunin na muna si Sunshine dahil dumaan na naman ito sa matinding depression kaya na-hospital ito.

Ang sabi ni Mommy Dorothy, nasobrahan daw ng na-take na Tylenol si Sunshine dahil sa matinding sakit ng ulo.

Isinugod ito sa Cardinal Santos Hospital at overnight itong na-confine. “Kaya nga imposible ‘yang sinasabi nilang buntis ito dahil du’n pa lang sa hospital tiyak nalaman na iyan ng mga doktor, pinag-usapan na iyan,” paliwanag ni Mommy Dorothy.

Ilang araw nang na-pack-up ang Tinik sa Dibdib ni Sunshine at hindi rin nito sinipot ang ilang TV guestings pati ang Live Chat nito sa NMI  kamakalawa lang dahil hindi na ito makontak.

Ang sabi ni Mommy Dorothy, nasa Tita niya ito sa Batangas at nagpapahinga pero babalik na rin daw ng Maynila.

ILANG BESES DIN naming tinawagan si Sunshine pero hindi ito sumasagot.

Nakapagdesisyon na raw  itong mag-Amerika na muna at magbakasyon doon sa Daddy niya.

Balak din daw nitong mag-aral sa Amerika, at sinusuportahan naman ito ni Mommy Dorothy basta makabubuti sa kanyang anak.

Parang iyon na rin ang gusto ni Mommy Dorothy para makapagpahinga na rin ito at pati na rin daw siya ay hindi na dumaan sa matinding stress dahil sa problema sa kanyang anak. “Para na rin akong nabunutan ng tinik sa dibdib,” himutok sa amin ni Mommy Dorothy.

Nagdesisyon na rin ang GMA-7 na palitan na lang si Sunshine at pinag-uusapan na nga nila ngayon kung ano ang gagawin nila sa script para ma-justify naman ang pagkawala ni Sunshine at palitan na ito.

Ang narinig namin, si Nadine Samonte raw ang ipapalit pero wala pa kaming nakuhang official statement mula sa GMA-7.

Nakipag-usap na si Mommy Dorothy sa mga taga-GMA 7 at inaasahan namang maayos ang pagpapaalam nila. Wish naman ng lahat na sana makabubuti ito kay Sunshine at kung gusto man nitong bumalik sa pag-aartista, sana hindi na maulit itong nangyayari sa kanya.

Wala pang masasabing tunay na dahilan sa nangyari kay Sunshine. Pero duda ng lahat, lovelife na naman ito at maaaring problema sa ilang kaibigang malapit sa kanya.

By Gorgy’s Park

loading...

13 thoughts on “Sunshine Dizon, nilaglag ng Siyete! – Gorgy’s Park

  1. nag papaka martir effect naman ang madir, oo nga wala na silang ginawang dahilan kundi ang hospital. magkano lang naman ang katahimikan ng Doctor sampu sam pera lang naman yan may certification ng hindi sya buntis. ginagawang malaking issue yan wala namang kuwenta nakapag emote lang ng konti magaling ng artista naku po magaling daw? gasgas na yan no bakit mala birhen ba yan na hindi puwedeng mabuntis. Mahiya nga kayo at ayaw magbigay ng paliwanag at iniiwang nakabitin ang kadahilanan. artista kayo kaya dapat kayung magpaliwanag, at kung di man ay wag na kayung mag artista. depensa kayo ng depensa wala naman kayung binibigay na dahilan. ano naman kung buntis hindi kayo nahiya nung ginawa nyo ngayon tatakbo kayo sa USA he he he he. sunshine get real at sa ina inahan move on.

  2. D PA NGA BUNTIS MUKHANG LIMA NA ANG ANAK SA ITSURA NG KATAWAN! FEELING NAMAN TO SI DOROTHY KALA NYA SUPER GALING ANG ADOPTIBA NYA!

  3. the truth is, kahit naman mawala sa sirkulasyon ang babaeng e2 eh maraming walang pakialam dhil mas nakakarami ang hindi nakakakilala sa kanya.

  4. america ang puntahan ng nabubuntis, c carmina todo deny dati pag-uwi me bitbit na kambal, c donita, c antoinette at mrami pa…

      • c dingdong daw hindi na buntis anak na 2 yta anak niya k dingdong yun ang mga laman ng blind items b4..c donita k rudy rip daboy..

      • yata! ano ba kayo, maka chika lang kahit hindi sigurado. walang anak si antonette, andito sya sa LA california.

      • ikaw di ka mhilig sa showbiz tsismis bat ka nandito yata kc nbasa ko lang din b4 sa mga baklang writer bat close kyo ni antonette biglang siyang nwala sa showbiz nung magbalik siya sa pinas nag-guest sa wowowee halatang nanay na… kagaya ng article nto tsismis din to pde totoo pd hindi kramihan nman sa knila walang umamin. me mga totoong chika pa ako bout sa isang youngstar ng isang network pero mahirap na bka makasuhan me ng libel nagpalaglag sa asian hospital, meron pa noontime host at member ng female dance group nkita nmin sa white rock nung co. outing nmin pero mtagal na yun.. hindi ako tsismosa noh

      • i don’t think may magpapalaglag sa hospital na artista at dito pa sa pinas hehehe…prang proud pa xa na ganun ang ginawa nya kung totoo yan.bawal kaya ang abortion dito sa pinas.kung magpapalaglag ang artista pipiliin nila mging discreet kaya i don’t believe it sori.

Leave a Reply

Your email address will not be published.