Sunshine Dizon, nakikipag-live-in na sa BF? – Alex Brosas

MUKHANG HINDI NA talaga intresado si Sunshine Dizon na balikan pa ang kanyang career sa showbiz.

Hanggang ngayon kasi ay nasa Pampanga pa ito, enjoying her life sa piling ng kanyang boyfriend.  She’s also enjoying immensely her new-found freedom. Matagal-tagal na rin naman kasing hindi nagkaroon ng time ang aktres para sa kanyang sarili dahil na rin sa kabisihan sa trabaho.

May nasulat ding panay raw ang gimik ni Sunshine ngayon. Siyempre, kasama niya ang kanyang friends sa paglalamiyerda.

Ang huling tsikang nakarating sa amin, nakikipag-live-in na raw itong si Sunshine sa kanyang boyfriend. Sa iisang bahay na raw sila ngayon tumutuloy.

True ba ito, Sunshine?

Anyway, mukhang wala na rin namang babalikang showbiz career si Sunshine ngayon dahil sa ginawa niya. Kung priority ng dalaga ang kanyang boyfriend, who are we to say that she’s wrong, ‘di ba?

MAGALING DUMISKARTE ITONG si Martin Nievera. Imagine, naisip niyang magpabayad sa mga babaeng humihiling sa kanya ng isang halik.

Nangyari raw ito during the concert of Martin and Gary Valenciano sa US. Click naman daw ang drama ng Concert King at nakalikom sila ng $500 na siya nilang ibibigay sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Bilib kami sa diskarteng ito ni Martin. Who would have thought of that? Iba ka talaga, Martin. Saludo kami sa ‘yo.

At ito naman daw si Gary V, gumaya na rin sa gimik ni Martin.

What can we say? No comment!

SO, BREAK NA pala talaga sina Gab Valenciano at Rachelle Ann Go.

Recently lang inamin ni Gab na over na ang kanyang relasyon kay Rachelle. Ang tagal-tagal nang itinatanong sa kanya ang tungkol sa split-up issue nila ng dalaga, pero nagpaligoy-ligoy pa sa pagsagot itong si Gab.

Bakit? Siyempre, mileage rin naman iyon sa kanya. The longer he keeps the suspense in his relationship with Rachelle, the more publicity he gets.

Sana, noon pa ay inamin na ni Gab na out na sa kanyang buhay si Rachelle. Kung hindi pa nagsalita ang dalaga na she was hurt when she saw Gab and Malaysian actress Carmen Soo together, hindi pa aamin si Gab na break na nga sila ng dalaga.

Say ni Gab, friends lang sila ni Carmen. But his actions say otherwise, may balak talaga siyang pormahan ang actress from Malaysia.

BLIND ITEM: IT pays to have a very caring mom. Ito ang napatunayan ng isang medyo sikat pa ring aktres nang una siyang makipag-date sa kanyang boyfriend na aktor din.

Nagpaalam kasi ang aktres sa kanyang madir na lalabas sila ng kanyang boyfriend na anak ng isang aktor. Pumayag naman ang mother dear.

So, wait ang dalaga sa kanyang boyfriend. Dumating naman on time ang aktor. Bago umalis, nagbanyo muna ito. Naiwan sa sala ang dala-dala niyang bag.

Umiral ang mother’s instinct ng nanay ng aktres. Tiningnan nito ang bag ng aktor at nagulat siya nang makita ang ilang condom at sleeping pills. Kinutuban kaagad siya kaya ang ginawa niya, bigla-biglang siyang nagdrama na may emergency sa kanilang pamilya at kailangan nilang puntahan ang isa nilang kamag-anak.

Siyempre, medyo nagulat ang aktor dahil biglang-biglang nakansela ang kanilang date.

After a week, nakipag-break na ang aktres sa aktor na clueless kung bakit siya hiniwalayan. Ang hindi niya alam, nabuking ang kanyang sikreto.

Wala na sa showbiz ang aktor na hindi naman sumikat kahit na ito ay anak ng isang aktor din. Ang aktres, namamayagpag pa rin at lately ay nabalitang nakipag-break na rin ito sa kanyang boyfriend na aktor din.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

4 thoughts on “Sunshine Dizon, nakikipag-live-in na sa BF? – Alex Brosas

  1. hindi nman c lovi at jolo. dhil c jolo nasa showbiz pa din.. ang sbi, un aktor daw wala na sa showbiz. jolo is working with abs-cbn, maybe not that famous but still active in biz.

  2. if sunshine ay gusto nya ng pahinga dapat sana ay di nya tinanggap yung ibang project at pati yung tink sa dibdib na naumpisahan na. hindi pag papahinga ang tunay na rason dahil biglaan. yung mga iniisip nyo ay yun na. knowing sunshine yaks and ewwwwwwwwww. ipokrita. BAKIT NGA NATIN TINATANGKILAK AT GINAGAWANG ROLE MODEL ANG MGA ARTISTANG ETO, wala namang mga good moral value ang na i impart sa mga tao at sumusubaybay sa kanila. kundi mga ka letchehan at kaimoralan lang ang ginagawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.