Sunshine Dizon, nakabuo na rin ng baby!

MAY BAGO NA naman ngayong isyung buntis na pag-uusapan, si Sunshine Dizon.

Matagal na rin naman itong hinihintay ni Sunshine at ng asawa niyang si Timothy Tan kaya nag-iingat ang aktres at hindi muna nagpapakita dahil sa mataba raw ito.

Kuwento ni Mommy Dorothy, mahigit tatlong buwan nang buntis ang anak niya at excited silang lahat dahil ilang beses na noong nauudlot, at finally, natuloy na rin.

Nagpa-therapy raw noon si Sunshine sa likod niya at pagkatapos nu’n, sinabi ng doktor nito na puwede na siyang mabuntis. Tama naman, nakabuo nga at sana tuluy-tuloy na ito.

Sabi naman ni Mommy Dorothy, hindi naman daw hirap si Sunshine sa pagbubuntis at parang wala pa raw pinaglilihian nang husto.

Ang gusto lang daw niya ay laging kasama ang asawa niya at talagang hindi sila naghihiwalay.

Dapat nga ay babalik na sa pagkapiloto si Tim pero dahil nga sa kalagayan ni Sunshine, bakasyon pa rin ito sa ngayon.

May negosyo naman daw sila sa Pampanga na pinagkakaabalahan kaya masaya na sila sa ganu’n.

Kung si Mommy Dorothy ang papipiliin, gusto raw sana niya ay baby boy dahil wala pa itong anak na lalaki.

Ganu’n din daw ang gusto ng Daddy ni Tim dahil siyempre, Chinese sila, kaya lalaki talaga ang gusto muna nila.

Nangako naman si Sunshine na magpapa-interview siya sa Startalk kapag okay na ang kalagayan niya. Abangan n’yo na lang ‘yan!

BUKAS AY ISI-CELEBRATE namin ang 15th anniversary ng Startalk at siyempre, puwede naming ipagyabang na ito ang longest-running showbiz-oriented talk show.

Kaya nga nag-ambisyon na kaming sana meron naman kaming malaking billboard na ilagay sa primespot ng GMA-7, diyan sa may panulukan ng Timog at EDSA.

Naging isyu pa ‘yan dahil naging biruan pa namin nina Joey, Butch at Ricky nu’ng nag-pictorial kami na kung hindi kami lalagyan ng billboard sa lugar na iyon, tatalon daw ako sa billboard.

Diyos ko, day! Sineryoso ba naman ni Butch at isinulat sa column niya, na nakarating siyempre sa mga top executives ng GMA-7. Kaya nagdesisyon silang pagbigyan ang hiling ko. Ayan! May billboard na kami sa primespot na iyon at ka-back-to-back namin ang Bubble Gang na kasabay rin naming magse-celebrate ng 15 years sa ere. Nakakahiya, ‘di ba?

Nu’ng nagkita kami sa contract-signing ni Sen. Bong Revilla, sinabihan ako ni Atty. Felipe Gozon na may billboard na nga kami at nag-decide na raw silang lahat ng mga programang aabot ng 15 years ay gagawan ng billboard sa lugar na iyon.

Siyempre, happy na rin kami, dahil kahit isang linggo lang nakabalandra diyan, at least, may malaki kaming billboard.

Marami kaming matinding kuwentong nakahanda sa aming anibersaryo at abangan n’yo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.