Sunshine Dizon, nagpapa-release na sa GMA-7 – Ruben Marasigan

Hindi pa rin nariresolba ang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ni Sunshine Dizon at ng GMA 7 na nag-ugat sa pagkawala ng aktres sa Tinik Sa Dibdib kung saan si Nadine Samonte ang humalili sa kanya.

Sumama ang loob ni Sunshine na nagiging negatibo ang dating niya dahil dito, na para bang ipinalalabas na may attitude problem siya kaya kinakastigo ngayon ng Siyete.

Bago pa kasi nangyari ang insidenteng hindi nasipot ni Sunshine ang taping dahil sa na-confine siya sa ICU for almost 24 hours for migraine, nakikiusap na raw ang aktres kung puwedeng hanggang 2 A.M. lang ang  taping niya para may sapat na tulog naman siya.  Three times a week kasi ang taping niya mula early in the morning until 4 A.M. the following day.

Hindi raw napagbigyan ang hiling niya na okey lang naman daw kay Sunshine.  Ang hindi okay, kinabukasan paglabas ng ospital, gusto raw ng production na mag-taping na siya pero hindi pa raw kaya ng aktres.  After two days na pahinga, nagpasabi raw si Sunshine na okey na siya pero ang nakuhang sagot umano from the production people— huwag na lang siyang mag-taping.

Ang sumunod na pangyayari na nga raw ay ang paglabas ng balitang pinalitan na siya ni Nadine since nagiging masasakitin nga siya.

Bunsod nito, nagdesisyon nga si Sunshine na magpahinga muna.  Ang latest development, last Friday ay nagpapa-release na raw si Sunshine sa GMA, pero wala pa raw sagot o desisyon ang network hanggang ngayon.

MUKHANG INSPIRED SI Jopay Paguia sa bagong season ng Daisy Siete na My Shuper Sweet Lover kung saan leading man niya ang real-life boyfriend na si Joshua Zamora .

“Oo, plus factor nga kapag sa trabaho kapag real life dyowa ang kapareha mo,” pag-amin niya.  “Medyo mahirap din kasi kapag trabaho, trabaho talaga.  Hindi puwedeng ipasok ang personal.

“And… kung sweet kami in real life, kailangan mas sweet kami rito.  Although may mga eksena ring para kaming aso’t pusang away nang away.”

Dahil annulled na ang kasal ni Joshua sa unang asawa, mas open na raw sila sa publiko about their relationship.  Umabot din pala ng almost five years ang kanilang paghihintay bago na-grant ang nasabing annulment.

‘Yon nga lang, malabo pa rin ang kasal.  Napag-uusapan pero nananatiling wala pa ring definite plan kung kailan.  Ang dahilang sinasabi nila pareho— ayaw nilang magmadali.

NASA BANSA NGAYON ang Pinoy na American Idol Season 6 finalist na si AJ Tabaldo to try his luck bilang baguhang recording artist.  Dalawa sila ni Bernie Ann na sumikat na Fil-Am concert performer sa U.S. na ginu-groom ngayon ng Universal Records bilang singing tandem.  Katatapos lang i-launch ng kanilang album sa SOP last Sunday.

So far, maganda naman ang feedback sa kanilang dalawa at sa soon-to-be released nilang CD album entitled Isang Katulad Mo na siyang pamagat din ng kanilang carrier single.  Aside from other duets ay may mga solo songs din sila.  Karamihan sa mga kantang laman ng album ay likha ng pamosong composer na si Vehnee Saturno.

And next week, October 27, they will be having a concert at the Metro Concert Bar sa West Avenue, Quezon City kasama si Aiza Seguerra.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Sunshine Dizon, nagpapa-release na sa GMA-7 – Ruben Marasigan

  1. oo nga napaka bitter nitong angelita na eto ang ganda pa mandin ng name. hindi naman ibig sabihin na kung wala kang prorama e laos ka na, basahin mo na lang ang lahat ng past thread dito maraming nagmamahal kay angel. saka wala naman silang comparison ni marian at wala silang dapat na pag kumparahan. nangyari lang na si marian ay ang ipinasak sa kawalan ni angel at naka jock pot ang gma. money wise may pera na si angel from gma at milyon milyon yun at kung sasabihing walang utang na loob i think it works bothways, hindi rin naman nakakamit ng top rater at milyon milyon kung di dahil kay angel. i have nothing against marian dahil maganda naman sya yun nga lang nagagmit sya ng gma.

  2. kaya ngayon kahit gustong mag papiga ni angel locsin sa dos ayaw pa rin syang piga-in hehehehehehehhe. ayun tulong ng tulong sa nasalanta ng bagyo para lang may may isulat sa kanya. nasalanta din kami ng bagyo pero wala namang nakarating sa amin na galing sa kanya. kung yan ang nagyari kay sunshine sa siyete yan din ang nangyayari kay claudine sa dos.

    kung may kasikatan at hatak pa si angel locsin sa tau eh bakit until now wala syang proyekto mapa tv o pelikula. kung bankable ka sunudsunud dapat.

    • napaka bitter mo day angelita. imagine tumulong na nga si angel kahit ano ano pa ang pinagsabi mo.ikaw anong tulong ba ang nagawa mo??? What the hell. Ang presidente nga di nakapunta sa lahat ng lugar si angel pa. one kind of a crab.

  3. paulit ulit lang yan sunshine kung ano ang nangyari kay angel siguradong ganun din sayo.. maiintindihan mo na siguro ang dahilan ng pag alis ni angel sa gma, habang may mapipiga ay pipigaiin ka wala silang pakialam kung may sakit ka. at sa mga artista naman kasi wala ng ibang dahilan kundi ospital eh napakadali lang naman mag paconfine sa ospital. migraine ba ang dahilan, masakit talaga ang migraine dahil ako man ay meron din nito pero hindi naman siguro sa icu ka dapat dalhin oa na yun, magkulong ka lang sa medyo dim na room at pahinga ka yun lang at konting medicine for migraine or headache.

    • FYI, hindi pwedeng maging pastor ang isang hiwalay sa asawa. At kahit pastor na, pag nagkahiwalay silang mag-asawa ay hindi na pwedeng maging pastor pang muli.

Leave a Reply

Your email address will not be published.