Sunshine Dizon, nagpakasal na!

MARAMING MGA MALALAPIT na kaibigan ni Sunshine Dizon ang nagulat sa balitang nagpakasal na pala ito sa piloto niyang boyfriend na si Timothy Tan.

Nang nakatsikahan namin si Mommy Dorothy kamakailan lang, kinumpirma nga niya sa amin ang pagpapakasal ni Sunshine dito sa boyfriend niyang si Tim nu’ng nakaraang Sabado sa isang clubhouse sa Valle Verde 6.

Sampung malalapit na kaibigan lang daw ang dumalo at pagkatapos ng seremonya, saka na lang nila inimbita ang ilan pang kaibigan at malalapit na kamag-anak na dumalo sa kanilang pa-dinner. Walang kamalay-malay ang mga dumalo na kasal na pala iyong pupuntahan nila, kaya gulat na gulat sila sa biglaang desisyong iyon nina Sunshine.

Sey naman ni Mommy Dorothy, hindi raw biglaan iyon dahil matagal na raw nilang pinaplano iyon, pero civil wedding sana ang gusto nila at secret marriage ito.

Pero pari naman daw ang nagkasal sa kanila, iyon nga lang, hindi sa simbahan. Kaya gusto pa rin nilang magkaroon ng church wedding na aayusin pa raw nila nang husto para makadalo na ang mga gusto nilang imbitahan, lalo na ang Daddy ni Sunshine na nasa Amerika.

Nagpaalam naman daw si Sunshine sa Daddy niya, kaya lang sobrang nabigla ito at Sabado na pala ang kasal.

Pero masayang-masaya na si Mommy Dorothy dahil botong-boto raw siya rito kay Tim at sinasabi nga niyang ito lang daw ang boyfriend ni Sunshine na sobrang kampante siya.

Ilan sa mga malalapit na showbiz friends ni Sunshine na sinabihan niya tungkol sa pagpapakasal ay sina Katrina Halili at Lovi Poe.

Ang pagkakaalam ko nakahabol pa si Katrina sa dinner pero wala rin siyang kamalay-malay na nagpakasal na pala ang aktres.

Iba na ang priorities ngayon ni Sunshine dahil isa na siyang Mrs. Tan. Pero gusto pa rin daw niyang ipagpatuloy ang pag-aartista at mamimili na lang daw siya ng mga project na tatanggapin.

Sa ngayon ay tinatapos nito ang pag-aaral niya ng Culinary Arts at mukhang may balak nga siyang magtayo ng restaurant dahil mas happy na ngayon si Sunshine ng simpleng buhay.

Abangan n’yo sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong ito.

Pagkatapos ng ‘dukot photo scandal’ nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, naging isyu naman ngayon itong pag-hello ng boobey ni Anne Curtis sa taping ng ASAP sa Boracay.

Naku! Magsisimula pa naman ang Party Pilipinas sa Linggo at ito ang itatapat ng ASAP?

Alam ko, nag-take sila uli ng dance number na iyon ni Anne, dahil hindi naman puwedeng ilabas ang eksenang iyon. Pero marami pa rin ang curious na mapanood ang production number na iyon at kung paano ka-sexy roon si Anne.

Kaya dapat na bonggang-bongga ang ihanda ng Party Pilipinas at baka kabugin sila ng isyung iyon ni Anne sa ASAP.

Nakikita ko naman ang paghahanda ng GMA-7 sa pagsisimula ng Party Pilipinas at lagi nilang sinasabing huwag itong i-compare sa SOP dahil ibang-iba talaga ito kahit pa sa katapat na ASAP, malayung-malayo raw ang pagka-musical variety nitong Party Pilipinas.

By Gorgy’s Park

11 thoughts on “Sunshine Dizon, nagpakasal na!

  1. TAMA KA MARIETTA.KAHIT AKO NAGULAT SA MUKHA NI GRETCHEN PARANG TUMANDA AT NAGMUKHANG BAKLANG GURANG.PANGET NG GUMAWA SA MUKHA NIYA.BAKA WALANG LISENSIYA.

  2. Nakakasawa na ang pagmumukha ni Sunshine!

  3. Abnoy ka!! Publicity di mo b alam jan sa pinas nakakahiya yon prang di k pinoy ah!! Inggit k lng ata sa boobs nyang tisay!! Kc sau sunog n flat pa..

  4. Oo nga, di ko alam na may ganitong tao na mag-iisip na publicity ito. Grabe naman. Tingin ko Kapuso ito. Ganun kasi sila mag-isip eh!

    Di na kailangan ni Anne or ASAP ito. After 2 months mawawala din yan Party Pilipinas. Di naman pala regular sila Marian at Dingdong.

  5. marriertta, can you clarify something, who’se use to Anne’s boobs popping out OR comming out? Is is she a porn star or a sexy star that shows her boobs ALL of the time? OMG!!! Im so clueless!!!
    i really dont get your point. maybe if you said SO WHAT IF HER BOOBS COMES OUT, ITS JUST BOOBS… but you said THEY ARE USED TO IT??? SO DOES THAT MEAN HER BOOB SLIP HAPPENED BEFORE?

    MARIETTA -In my opinion the issue of Anne is simply a
    gimmick and for publicity purposes only – so what if her boobs comes out- they are used to it.

  6. ay talaga? Ang talino mo naman… Gamitin ang utak pwede? Di kailangan ng asap xv ng ganung gimik napakaeng eng mo. Haha. Kawawang nilalang.

  7. In my opinion the issue of Anne is simply a gimmick and for publicity purposes only – so what if her boobs comes out- they are used to it. They just want to be the talk of the media to divert the attention of viewers coz of the forthcoming Party Pilipinas (Cunning?).
    Mabuhay Party Pilipinas wish you all the best!
    Marietta from Dubai

    • naku, ito naman si marietta from dubai kung makapagsalita akala mo kung sino. Teka nga pala, ano bang trabaho mo dyan sa Dubai? Siguro married ka sa Arabo, ano? bwahahahahaha!

    • naku namn marietta,,khit cnong babae,,d gu2stuhin yung gimmick na sadyaing ilabas ang boob noh,,,!pra lng pagusapan,,,