SUNSHINE DIZON, MAS PIPILIIN ANG PAMILYA KESA PAG-AARTISTA

ISANG MAGANDA AT masayang Sunshine Dizon-Tan ang aming nadatnan sa kanyang Baby Shower na in-organize ng kanyang kaibigang si Gerlie Sevilla na ginanap sa Conti’s Katipunan Quezon City last Feb-ruary 19.

Ayon kay Sunshine, 7 ½ months na ang kanyang tiyan kaya naman daw pinaghahandaan na nila ng kanyang very loving husband na si Tim Tan ang mga gamit na kakailanganin ng baby nila na nakatakdang ipanganak this April.

Nangako naman si Sunshine na pagkapanganak niya ay muli siyang babalik sa pag-arte. Kinalakihan na raw kasi niya ang showbiz kaya naman babalik-balikan niya ang pag-arte. Pero may mga limitasyon na raw siya sa pagtanggap ng proyekto, gusto raw ni Sunshine na hanggang 12 midnight lang ang cut off niya sa taping dahil mas priority niya raw ngayon ang pamilya kesa pag-aartista.

Kung dati raw na bread and butter niya ang pag aartista, ngayon ay may mga negosyo silang mag-asawa na inaasikaso, kaya kahit hindi muna siya maging visible sa showbiz ay marami rin siyang pagkakaabalahan.

MASUSING PAGHAHANDA RAW ang ginagawa ngayon ng isa sa GMA Artist Center prime artist na si Dominic Roco sa pagbibida sa Sisid kasama sina Jackie Rice, JC Tiuseco at Ian Batherson.

Ayon kay Dominic, three days daw na nag-undergo sila ng training sa pagsisid sa Laguna. Bukod pa diyan ang kanyang araw-araw na work-out at diet para mapaganda ang kanyang katawan.

First time niya raw makakatrabaho sina JC, Ian, at Jackie, kaya naman daw excited na siyang gumiling ang kamera. Pero sa maikling panahon na nagkasama-sama sila sa training, nagkaroon na sila ng bonding, lalo na raw kay Jackie na ayon pa sa binata ay maganda at sexy.

LAMPAS NANG THREE months since humingi ng bakasyon si Mark Herras sa pamunuan ng GMA-7 dahil na rin sa nagkasakit ito, pero hanggang ngayon ay hindi pa muling nagkakaroon ng malaking trabaho si Mark after ng Langit sa Piling Mo nila ni Heart Evangelista.

Pero ayon kay Mark, okey lang naman daw sa kanya ‘yon, at least, nagawa niyang maalagaan muli ang kanyang katawan. Kung dati raw ay sobrang payat niya, ngayon ay in good shape na naman si Mark at handang-handa ng magtrabaho.

Tsika pa ni Mark, hindi naman siya nagde-demand sa pamunuan ng GMA-7 na bigyan siya ng trabaho agad dahil siya naman ang nag-request na magpahinga muna. Pero alam naman daw niya na hindi siya pababayaan ng Kapuso lalo na’t alam na ng mga itong okey na siya. Sa ngayon daw ay pinaghahandaan ni Mark ang nalalapit niyang project sa GMA-7 na Danserye na magsisimula ngayong March.

Medyo kabado raw si Mark sa pagbabalik sa primetime, pero forte naman daw niya ang sayaw, kaya gagawin na lang nito ang lahat para mapaganda ang kauna-unahang danceserye sa bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.