Sunshine Dizon, mas makabubuting dalhin na sa korte ang laban sa halip na sa social media

Sunshine Dizon

Sunshine Dizon

Hindi clarissa kundi Charisma umano ang first name ng alleged mistress ni Timothy Tan, ang mister ni Sunshine Dizon. Wala rin daw itong social media account.

Entonces, all this info runs counter to earlier reports tungkol sa kanyang pagkakakilanlan bagama’t totoong she works at a hospital in Quezon City. Maganda rin daw ito, pero may anak from her previous marriage.

The trouble is, “patola.com” si Sunshine Dizon sa social media thinking na sinasagot ni Charisma ang kanyang mga akusasyon, but not knowing na nakikisawsaw na rin ang maraming netizens.

Kung kami kay Sunshine, she has already spoken her piece, enough. The next best thing is to take appropriate legal action if she feels violated, which is exactly what she’s hell-bent on doing. Good.

Sunshine, for all her social graces, should stop bringing it to a forum tulad ng social media, kung saan pinaglalaruan lang ang kanyang kuwento, much less picture a legal wife to be the bad girl gayong siya na nga itong inagawan ng asawa.

She doesn’t deserve all this unfair fun-poking, na kaya naman din nagkaganito ay dahil na rin sa kanya. There are proper courts of law, at du’n na lang niya idulog ang problema niya.

As for Charisma, dalawang letra lang sa pangalan niya—if omitted—ang katunog ng maaaring dumapo sa kanya for causing all this upon Sunshine… alam na!

 

ISA NA namang sumasagitsit sa init at nakawiwindang na episode ng “Happinas Happy Hour” comes your way ngayong Biyernes alas-nuwebe ng gabi.

To open the show ay ang makatulo-laway na paggiling ng Tahitian nina Sam Pinto, Diana Menezes at mga resident sexy babes na sina Abby Poblador at Margo Midwinter.

Abangan ang titillating game na Dikit It To Win It as the Happy Peeps and sexy celebrity guests cleverly connect their bodies to form a chain. May pinakabagong dance craze pa on social media na isasayaw, ang Juicy Wiggle.

Rib-tickling shower prank din ang hatid nina Margo at Sam while hunky police officers Neil Perez and Don Mcgyver still join the wacky crew in hot new games.

Palalampasin n’yo ba ito only on TV5?

 

LAST SUNDAY ay nagkunwaring El Guwapo Basurero si Jingo (Ryan Agoncillo) earning the fancy of his mother-in-law Mama A.  Nakikiuso ang “Ismol Family” sa mga nagiging instant celebrity sa social media tulad ni Carrot Man.

Pero ang inaabangan din ng mga bagets viewers ng sitcom na ito ay kung kelan na ba magkakamabutihan as BF-GF sina Ethan at Yumi. Ang ipinagmalaki pa kasing video diary ni Ethan proudly showing ‘yung one of a kind friendship bracelet na ibinigay niya kay Yumi turned out na marami palang kapareho!

This Sunday, ano naman kaya ang gimik nina Jingo at Ethan para ma-impress ang mga tao close to their hearts? For sure, they’re about to mess things up again na siyempre’y ikaaaliw ng mga manonood, but at the same time ay kapupulutan din ng aral.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.