Sunshine Dizon is excited on her first-born due anytime now!

ANY DAY FROM now, nakatakda nang manganak ang isa sa mahusay na batang aktres sa bansa, si Sunshine Dizon, kung saan isang malusog na baby girl ang magsisilbing unang supling nila ng kanyang guwapong-guwapong asawang si Timothy Tan.

Sa ngayon, wala pang eksaktong ipapa-ngalan sina Sunshine at Tim sa kanilang baby girl, pero may mga names na raw silang pinagpipilian. Isa sa super excited sa nalalapit na panganganak ni Sunshine ay ang Mommy Dothy nito.

Tsika nga ni Tita Dorothy nang makausap namin, sana raw ay makuha ni Little Sunshine (tawag nito sa baby ni Sunshine) ang magandang height ng kanyang mga magulang, ang puti ni Sunshine, katalinuhan ni Sunshine at Tim at ang pagiging biba ni Sunshine noong bata pa ito. Kabog!

PAREHONG DESISYON DAW nina KC Montero at Geneva Cruz ang maghiwalay muna ng landas pagkatapos ng mahaba nilang pagsasama.

Pero kahit hiwalay na sila, ayaw pa raw muna ni KC na magkaroon ng panibagong pag-ibig, masyadong maaga pa raw, mas nakatutok daw siya sa ngayon sa kanyang trabaho like sa Lupet, kung saan isang action star ang kanyang pino-portray, habang big fan naman nito ang role ni Laila Chickadora. Bilang panimula ng kanilang show, bago ibigay ang The World`s Most Amazing documentaries.

Dagdag pa ni KC, na kahit hiwalay na sila ni Geneva ay okey naman daw ang kanilang samahan bilang magkaibigan. ‘Di man daw sila halos araw-araw na nagkikita, nagti-text o nagtatawagan, may mga insidente naman daw na nagkikita, nagti-text o nagtatawagan silang dalawa.

FROM NITA NEGRITA to Amaya na pareho sanang magiging show ng isa sa young actors sa bansa na may pinakamagandang rehistro ng mukha sa telebisyon na si Kristoffer Martin, sa Mun-ting Heredera na raw ito ilalagay kasama ang ka-loveteam nitong si Joyce Ching at ang kasama nila sa Tween Hearts na si Krystal Reyes.

Ayon kay Kristoffer, naghinayang daw siya nang sabihin sa kanyang ‘di na siya kasama sa Amaya, dahil ito raw kasi ang pangalawang pagkakataon na magsasama sila ni Marian Rivera, na nakasama nito ng sandali sa una nitong show sa GMA-7, ang Endless Love, kung saan ginampanan nito ang young Johnny played by Dingdong Dantes.

Pagkakataon na raw nitong mas makilala at mapalapit sa isa sa crush nito sa showbiz na si Marian, dahil gandang-ganda raw ito sa mukha ng hottest female star ng GMA-7. Pero happy na rin daw siya dahil makakasama niya sa Munting Heredera ang isa sa Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Gloria Romero.

MUKHANG TULUY-TULOY NA ang pag-uwi ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor dahil may isang Big TV Network ang interesado sa serbisyo ni Ate Guy. Tsika pa ng aming source, handa raw ibigay ng nasabing network ang kahilingan  ni Ate  Guy, bukod pa sa malaki ang talent fee na inaalok ng mga ito.

Naniniwala raw ang natu-rang network na hindi pa rin kumukupas ang ningning ng kasikatan ni Ate Guy sa bansa, dahil kahit nga raw wala ito sa Pilipinas, laman pa rin ito ng lahat ng babasahin at ng mga talkshows na ang ibig sabihin lang ay sikat na sikat pa rin ang Superstar.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Sunshine Dizon is excited on her first-born due anytime now!

  1. @jose de leon-love it! u do have a point ahh…enewei i think nmn nora aunor learned her lessons, cguro nmn this time she can stand and be more resposible after all she’s not getting any younger..i hope this time ur staying here for good..

  2. may point ka dun. sana she informed the station and exited in the right process before settling down for a family.

  3. Pinili si Sunshine ang family kesa sa fame niya, so decision niya iyon respetuhin nalang. ang mali lang ni Sunshine naging unrprofessional sya during nag work pa sya sa GMA marami syang show na hindi sinipot. The rest wala akong nakikitang mali sa babaeng ito. mabuti naman syang ina at yun ang mahalaga ngayon.

  4. si guy?…nako 1 month lang yan ok kasi excited pa ang mga pinoy pero after that, wala na…..ang problema nya kasi is her working habits and addiction sa drugs and boys….sayang…sya pa naman ang iniidolo ng ibang kababayan natin na galing sa hirap…from rags to riches kasi sya..ang galing di ba?…pero mukhang back to rags uli….sana naman natuto na sya…aba matanda na sya…mag 58 na sya….si ate vi, andaming dinaanang skandalo yan (betamax issue, flop movies, issue with romeo vazques, tax problems, etc.) pero bumangon…..tingnan mo naman kung anu na sya ngayun…..ang tao kasi makikita mo ang character hinde sa kung ilang beses syang nadapa, kundi dun sa pano sya bumangon sa pagkakadapa…guy, may time pa, magbago ka lang at kahit hinde ako noranian, matutuwa ako pag nakabangon ka…tingnan mo tuloy mas mayaman pa si kuya germs sayo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.