Sunshine Dizon, binuburo ng Siyete?! – Joey Sarmiento

IS SOP THAT desperate to get a higher rating on TV kaya nagpalabas sila ng isang production number featuring Carl Guevarra nang naka-topless gyrating left and right, na ala-macho dancer ng Adonis Gay Bar?

Kung hindi kami nagkakamali, halos sampung minuto rin ‘yatang nakaere sa TV ang hubad na katawan ni Carl na pinagpipiyestahan ng gays and girls.

Kaya lang, GMA-7 must remember na ipinalalabas ang SOP tuwing tanghali ng Sunday kaya most probably, kumpleto ang pamilya with matching kids na nanonood at nagkakasiyahan while feasting on their hearty lunch kaya maraming magulang ang na-turn-off sa eksenang ‘yon.

Marami kaming e-mail messages na natanggap tungkol sa obscene production number na ‘yon maximizing on the body of Carl na parang nanunukso ng mga gays habang gumigiling.

Bukod du’n, nag-promise pa si Carl na sa mga susunod na Sundays, e, mas marami pa raw siyang damit na tatanggalin and if that’s the case, dapat idagdag na rin ng SOP ang “GAY BAR ON TV” banner sa ilalim ng title ng kanilang programa… whatdayathink, mga friends sa Christian Network?

MANGANGALAHATI NA ANG buwan ng January pero hanggang ngayon, hindi pa rin namin nararamdaman ang pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA-7. Why, oh, why kaya?

We can still remember late last year, after ding manalo ni Shine as Best Actress in a Single Performance sa  Star Awards for TV, na nabanggit niyang magbabalik siya agad-agad sa channel 7 by January.

Naku, feeling namin, hindi na naman tumutupad sa mga promises ang GMA-7 gaya ng kanilang ginawa nu’n sa iba nilang mga artista. Feeling namin, false promises lang ang kanilang ibinigay kay Shine.

Matagal na sa industriya si Shine at ilang beses na rin niyang napatunayan na magaling siyang aktres. Sana naman, e, ‘wag siyang pabayaan ng kanyang mother network. Sana, e, ‘wag nilang pabayaang magising si Shine at mag-isip na lumipat na lang talaga ng ibang network kung saan maaalagaan siya nang mabuti.

Teka. Hindi ba’t isa sa mga values na itinuturo ng mga Kristiyano, e, ang honesty? Kung hindi tutuparin ng GMA-7 ang kanilang mga pangako kay Shine, e, ‘di hindi pala honest ang Christian Network na ito… hmmmm!

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Related Post

loading...

11 thoughts on “Sunshine Dizon, binuburo ng Siyete?! – Joey Sarmiento

  1. dami kayang walang trabaho tapos sya laging may work sya ang maarte lagi may sakit ganun ganito hays

    mahal sya ng GMA buti nga pinabalik pa sya nanay ni SUNSHINE nagbayad ng article na ito para mag parinig sa GMA

  2. Baklitang writer, Please lang be careful sa mga pinagsusulat mo about christianity. Re: Sunshine, gusto mo ay i-prioritize siya ng GMA7 at bigyan agad ng project, after niyang magluka-lukahan at sayangin ang project na ipinag-katiwala sa kanya dati. Mas maraming talents ang GMA na mas deserving na dapat unahin na bigyan ng assignments, keysa kay Sunshine. Hindi naman siya kawalan, at kung may nag-aabang ng paglabas ulit ni Sunshine, kaunti lang iyon.

  3. Hello ka diyan baklitang writer. Please lang be careful sa mga pinagsusulat mo about christianity. Re: Sunshine, gusto mo ay i-prioritize siya ng GMA7 at bigyan agad ng project, after niyang magluka-lukahan at sayangin ang project na ipinag-katiwala sa kanya dati. Mas maraming talents ang GMA na mas deserving na dapat unahin na bigyan ng assignments, keysa kay Sunshine. Hindi naman siya kawalan, at kung may nag-aabang ng paglabas ulit ni Sunshine, kaunti lang iyon.

  4. BKT?!!
    DB S ASAP GNUN DN, UNG MGA COVERBOYS NILA… UNG HUNKS P DTI NG TOPLESS S MGA DANCES KUNO NLA… HELO??? GNUN DN UN… BIAS KNG REPORTER K!!!

  5. ang pangit ng production numbers ng SOP! binibigyan pa nila ng madaming slots yung mga nobody at walang face value!! pls.don’t turn your show into another version of MASTERSHOWMAN (walang tulugan!) hahahaha

  6. hahahaha kakaawa ka naman..I’ve never been to a gay bar kaya di ko alam na ganun pala yung mga sumasayaw dun….wala sa timing…gyrating na ba tawag dun eh wala nga sa timing….hmmmmm….I watched the whole number at natawa ako..Palakpak lang wala sa timing pano ka naman ma-a-akit dun…siguro malungkot ang buhay ng writer na ito….sobrang babaw naman naka-topless lang naakit na agad….siguro pangit ang katawan mo kaya hindi sanay makakita ng ganung katawan…hahahahaha

  7. ava ava sarmiento pati sa network bitter ka rin kala ko ba sa artista lang?
    mag apply ka kayang manager ni shine! kaloka ka shokla!

  8. ang Diyos nga hindi agad tinutupad ang wish mo.. pero kailangan pa maghintay at makukuha din natin gusto natin kailangan lang magsikap at maging mabuting tao, GMA 7 pa kaya? hollerr…

  9. if i know gusto mo naman bakla ang pagta topless ni carlo guevarra!! pa demure ka pa diyan.. sampalin kita eh..

Leave a Reply

Your email address will not be published.