Sunshine Dizon, biglang tsinugi sa “Encatadia”

Sunshine Dizon

Sunshine Dizon

Marami ang nalungkot sa biglang pagkatsugi ni Sunshine Dizon sa “Encantadia”. Isa kasi ang 2016 Best Drama Supporting Actress ng PMPC Star Awards for TV sa inaabangan sa nasabing telefantasya na gabing-gabing tinututukan ng netizens.

Marami nga ang napahanga ni  Sunshine sa natatangi nitong pagganap sa “Encantadia” bilang si Adhara, dahil na-out live niya ang role noon bilang orihinal na Pirena na talaga namang sumikat nang husto.

Kahit nga si Sunshine ay nalungkot din sa biglaang pagkatsugi sa palabas, dahil nag-e-enjoy siya sa kanyang role. ‘Yun nga lang, kailangan na nga nitong bitiwan ang nasabing show dahil may bago siyang palabas sa Afternoon Prime na pagbibidahan nila ni Gabby Concepcion.

Although wala pang title ang naturang programa, marami na nga ang excited na mapanood ito, dahil bagong kombinasyon ng mga mahuhusay na actor sa Kapuso Network ang magsasama-sama mula kina Sunshine, Ryza Cenon, at Gabby.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.