Sunshine Dizon, ayaw makisawsaw sa issue nina Raymart Santiago at Claudine Barretto

Sunshine-DizonNALULUNGKOT DAW si Sunshine Dizon sa maraming hiwalayang nagaganap sa showbiz at isa nga rito ay ang kanyang katrabaho sa Villa Quintana na si Raymart Santiago na bukas na libro ang awayan sa kanyang asawang si Claudine Barretto at sa mga magulang nito.

Pero ayon kay Sunshine, wala raw isyang guts na tanungin o kausapin si Raymart tungkol sa problema nito sa pamilya , dahil masyadong personal na ito. Hangga’t hindi raw nag-o-open sa kanya tungkol dito si Raymart, ayaw niyang pangunahan ito.

Wala rin daw siya sa estado na manghusga, maging ang ibang tao, sa mga nangyayari sa buhay-pamilya nina Raymart at Claudine, dahil hindi naman daw natin alam kung ano ang tunay na rason ng kanilang paghihiwalay at kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang pag-aaway.

Masuwerte nga raw si Sunshine sa pagkakaroon ng mapagmahal, supportive at understanding husband sa katauhan ng tall and handsome na si Timothy Tan na isang piloto, na lagi nitong kasa-kasama sa kanyang showbiz engagements.

Dalawa na ang anak nina Sunshine at Tim, sina Doreen na 2 years old na at carbon copy ni Sunshine na bibang-biba at maaaring sumunod sa yapak ng kanyang ina; at ang pangalawa ay si Antonio na 1 year old at carbon copy naman ng daddy nito na guwapo rin kahit baby pa.

 

MARAMI ANG nakapupuna sa magandang tandem nina Thea Tolentino at Teejay Marquez sa afternoon soap ng GMA-7 na Pyra, kaya naman hindi maiwasang pumalag ang mga tagahanga nina Thea at original ka-loveteam nito at co-Protege winner na si Jeric Gonzales .

At para nga ipakita na hindi sila aprubado sa gumagandang tamabalang Thea at Teejay, nagpapadala ng ‘di magagandang mensahe ang mga ito sa commercial model/ actor. Pero deadma lang naman daw si Teejay at naiintindihan ang sentimyento ng mga fans nina Thea at Jeric, dahil baka nga raw iniisip ng mga ito na inaagaw niya ito sa kanilang idolo.

Dagdag nga ni Teejay na trabaho lang naman daw ang ginagawa niya at wala naman daw siyang balak na agawin si Thea kay Jeric, dahil naging magkakaibigan na sila simula nang magsama sa Pyra. Lalung-lalo na raw si Thea, dahil second time na raw nitong nakatrabaho ang dalaga, una sa Anna Karenina at ngayon nga ay sa Pyra.

 

MAGTATAPOS NA ngayong November ang network contract ng Tween star at newest celebrity endorser ng Olive C Soap  na si Hiro Peralta sa GMA-7. Pero hindi pa raw nito alam kung pipirma pa siya ulit ng kontrata lalo na’t may magandang offer ang isang malaking TV network dito.

Hinihintay lang daw ng nasabing TV network na mag-expire na ang kontrata ng teen actor sa kanyang home studio. Maganda raw ang plano ng nasabing big TV network dahil isasama siya sa isang malaking TV project, kung saan makakasama nito ang ilang sikat na artista sa kanilang bakuran.

Sa ngayon daw, pinag-iisipan pa ng kampo ni Hiro ang magandang alok sa kanya ng nasabing malaking TV network, kung pipirma ba sila ulit ng another years sa GMA-7 or tuluyan na itong mapupunta sa nasabing kilalang TV network. ‘Yan ang ating aabangan!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Sunshine Dizon, ayaw makisawsaw sa issue nina Raymart Santiago at Claudine Barretto

    • ayy siyempre naman,,,may asawa na nga siya at anak,,,he he tapos na ang kasikatan niya,,,nakaabot naman siya doon,,,,tulad din ngayon nina Piolo, Sam Diet,,,hahahaha….saan na sila,,laosceandeep na rin ba…hahahah

      • HAHAHA, AT LEAST MAY MGA MOVIE PROJECTS PA RIN SINA SAM AT PIOLO, SI SUNSHINE SOMETHING??? NGANGA! WALA KA MAISAGOT NOH! AS IN SUMIKAT TALAGA SIYA HUH! PARANG HINDI KO NAMAN NARAMDAMAN NOON HAHAHAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.