Sunshine Dizon, ayaw makasama sa kuwarto si Iza Calzado – Lolit Solis

KAHIT NA ANONG iwas nina Sunshine Dizon at Iza Calzado sa isyung may away sila, halata pa ring meron talaga silang problema.

Nu’ng magpa-presscon si Dr. Manny Calayan para sa bagong endorser niya na sina Sunshine at Alfred Vargas, hirap na hirap si Sunshine na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni Iza.

Nakiusap na itong tungkol na lang sa pagpapa-lipo niya kay Dr. Calayan ang pag-usapan at huwag na ‘yung kay Iza dahil wala naman daw talagang isyu.

Sabi lang ni Sunshine, kung meron mang pino-promote si Iza na SRO Cinemaserye, sana tungkol na lang daw du’n at huwag na ang isyu nilang dalawa para mapag-usapan lang ang bagong show nito.

Gaya nitong pa-presscon ni Dr. Calayan, sana ‘yung services na lang daw ng Calayan Surgicenter ang pag-usapan, huwag na si Iza dahil wala naman daw itong kinalaman sa pino-promote niya.

Pero wala naman silang magagawa dahil halata naman kasi na may away sila at ‘yun ang aalamin natin kung ano ang pinag-awayan nila.

Nu’ng nakaraang taping ng birthday special ni Dingdong, obvious na nag-iiwasan sila dahil magkasama sila dapat sa isang dressing room, hindi roon tumigil si Sunshine. Dedmahan talaga sila pero kahit anong kulit sa kanila ng mga reporter, iniiwasan na nila itong pag-usapan.

HINDI NA ITINATAGO nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang relasyon dahil kitang-kita naman kung gaano na sila ka-sweet.

Abangan n’yo na lang sa birthday special ni Dingdong na mapanood ‘nyo sa Sunday Night’s Box Office kung gaano sila ka-sweet.

Ang tanong lang ngayon, gaano na katagal ang relasyon nila? Kailan pa naging sila? Iyon na lang ang hindi pa malinaw sa dalawa na tingin ko hindi nila sasagutin iyan. Ang importante, hindi na nila itinatago at hindi na kailangang magsinungaling pa.

Sabi nga ni Marian nu’ng mag-guest sa amin sa Startalk, nagpakatotoo lang daw sila at ayaw naman daw nilang lokohin ang fans. Kaya ayan na! Kitang-kita n’yo na kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa kaya huwag na sigurong kontrahin. Maging masaya na lang siguro tayo para sa kanila.

Sobrang suwerte nga ngayon ni Marian dahil bukod sa bonggang-bongga ang lovelife niya, masaya na rin ang buong pamilya niya at higit sa lahat lalong gumaganda ang career niya dahil sa pamamayagpag ng Darna. Kaya wala na raw siyang mahihiling pa sa ngayon.

Siguro dapat mag-wish na rin siya na sana magiging positive din ang resulta ng bagong primetime series ni Dingdong na Stairway to Heaven.

Malaking sugal itong itatambal siya kay Rhian Ramos dahil hindi pa natin alam kung tatanggapin ng fans na hindi na si Marian ang katambal niya. Hindi rin natin alam kung tatanggapin ba ng fans ang loveteam nila ni Rhian kahit alam naman ng lahat kung ano ang namagitan sa kanila ni Marian.

Kaya abangan na lang natin dahil nagsisimula nang mag-taping sina Dingdong at Rhian para sa Stairway to Heaven.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

21 thoughts on “Sunshine Dizon, ayaw makasama sa kuwarto si Iza Calzado – Lolit Solis

  1. tigilan na yan issue na kesyo nabuntis si shine, nagpunta ng amerika..Hindi totoo yun, sa pampanga MADALAS SI SHINE.Ng makita namin sya sa nortwalk pampanga na may binibili kaagad namin tinanong kung may shooting ba sya dito sa pampanga, ang sabi wala at namamasyal lang sa mga kaibigan nya dito sa pampanga.Mabait si shine kaya sana tigilan na paninira sa kanya.syempre kahit sino naman gustong magbakasyon, magpahinga lalo na kung nagkakasakit ka na sa sobrang puyat sa trabaho.Wag naman sabihan hindi sya professional.Napanood ko ang walang tulugan ni kuya germs, sinabi don nun bakla na unprofessional daw si shine..Tao lang tayo sumusuko din ang katawan at nagkakasakit.Madalas lang siguro magkasakit si shine.

  2. i like sunshine dizon magaling na artista.kaya lang GMA misan kasi sa iisang artista lang sila nakatuon..pag napakinanbangan na ganun na lang ba? Bakit marami rin naman naitulong si sunshine sa kanila a. NOOng nasa UAE ako gustong gusto ko ang bakekang.ang galing ni sunshine don.Sana lang huwag hayaan n GMa na makawala pa ito.Bigyan nyo ng projects, namimiss ko na sya sa tV at pelikula.

  3. ito totoo kahit sino pa ang gumanap ng marimar,dyesabel, darna ay siguradong sisikat at mataas ang rating dahil ito ang gusto ng mga bata mga fantaserye..pag dating sa mga drama like remake ng mga sikat na serye like marimar ay ok na ok sa mga viewers.matagal ng sikat ang darna ,marimar at dyesabel e.bakit yun tadyang di nagustuhan?Dito isinalba lang ang career ni marian sa darna.pero di pa rin nya matatalo rating ng nung unang darna ni angel..Mega manila lang nagrarate yan darna ngayon, gusto parin nga mga viewers panoorin ang may bukas pa natio wide.kaya nga dami sikat na isinama sa cast ng darna like dennis,katrina, sexbomb rochel at regine V. para makahabol sa rating..e papaano naman kelan lang kasi gumanap si angel as darna,sariwa pa sa mga tao minadali ng GMA..dina Refreshing kaya ang dating ngayon ng darna.GAWa sana GMA ng bago para kay RHIAN pang super hero ang dating yun baka magclick pa.o kaya pagsamahin ulit sila ni ding.Si heart Evangelista mataas din rating nya don sa luna mystica, e bakit di ulit gawan ng ganon.like mga fantaserye character..

  4. *magaling na actress sina sunshine at iza kaya lang napag-iiwaman na silang dalawa. Sila Maxene M., Carla A., & Kris Bernal na ang sikat sa GMA ngayon at mga magagaling din sila.

  5. ayan na ang ebidensya na talagang inagaw ni Marian si Dingdong kay Karylle… pasasaan bat dadating din ang karma. Ipagdadasal kong bumagsakl ang rating ng Darna which is unti unti ng nagyayari ngayon hehe… san ka naman nakakita ng darna ang OA umarte… may lelang mong panot pa hay… naku Marian may kinalalagyan kasi yang kajologans mo.

  6. GUSTO ATA NI MARIAN AT DINGDONG NG SEX VIDEO IN PUBLIC ……..PAGBIGYAN NYO NGA GMA TWING MAGKIKITA HALIKAN NG HALIKAN YAN BA MODELO SA KABATAAN!!!!!!!!!!!!TSK,TSK,

  7. sunshine, tumanda kn s GMA d k mn lang n bigyan ng teleserye s primetime.

    mr & dd, kahit mag kang2kangan p kyo in public who cares!

  8. i have nothing against marian pero pwede ba ms lolit advise her over acting na sila ni dingdong. kiss sa lips magka ibigan? if concern sila sa fans nila aminin nila ang totoo. ginagawa naman nilang tanga ang mga tao esp ang fans. minsan nakaka-irita na si marian yung acting nya sa mga interviews and behind the scene daw. yung kiss sa lips part ng production eh panu yung lumabas sa pep na pictures part pa rin ba yun. eh kung ang kiss sa lips d kino confirm or deny. eh pwede na kaming maniwala na may dahilan ang pang nangangarag ni karylle sa selos dati. dati natutuwa ako sa kanya ngayon most of the time garapal si marian gumalaw. at sana mag aral naman sya nga konti d naman puro ganda lang.

  9. Lantaran na nga ang Marian at Dingdong pero sumobra naman! Laplapan dito laplapan don sa harap pa ng maraming tao. Ano na lang kaya kung walang nakatingin.Kontrolin naman sana nila kati nila paminsan minsan ang sagwa ng tingnan

    • yaan mo na noh.,bago bago pa kc kht one yr na….syempre nasasarapan pa sila sa isat isa,1 or 2 yrs pa hiwalay na yan!!!!sawa na kc

    • bkit d nlng kau maging msaya pra s
      kapwa nyo?
      dont judge kc dnmn ntin alam ang
      tunay n pangya2ri…
      yes…we can comment
      pero sana mging patas tau…..pare2 lng nmn taung tao n
      nkaga2wa ng mga d dpat….b happy nlng 4 dem.

      • OA MO HA,,WLA NMAN MSAMA KUNG MAGMAHALAN SILA PERO PUBLIC FIGURE SILA NO MAGHALIKAN B NG MAGHALIKAN SA HARAP NG MARAMING TAO………. OBER NA !!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.